FEU Tamaraws nakapitong sunod na panalo | Bandera

FEU Tamaraws nakapitong sunod na panalo

|October 23,2016
facebook
share this

FEU Tamaraws nakapitong sunod na panalo

- October 23, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m. UST vs La Salle
4 p.m. Ateneo vs NU
Team Standings: La Salle (10-0); FEU (8-2); Ateneo (5-4); Adamson (5-5); NU (4-6); UST (3-7); UP (3-8); UE (2-8)

KINAILANGAN ng nagtatanggol na kampeong Far Eastern University na umahon mula sa 20-puntos na pagkakaiwan bago nito nagawang takasan ang University of the Philippines, 63-60, Sabado ng hapon sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Agad napag-iwanan ang Tamaraws sa pagtatapos ng unang yugto, 8-28, bago unti-unting umahon kontra Fighting Maroons tungo sa pagsungkit sa ikapitong diretsong panalo at iangat ang kartada sa 8-2 panalo-talo sa likod ng hindi pa rin natatalo na De La Salle University.

Pinangunahan ni Raymar Jose ang Tamaraws sa itinalang 20 puntos at 12 rebounds.

Namuno para sa Fighting Maroons si Jett Manuel na may 16 puntos, walong rebounds, limang assists at tatlong steals bagaman nalasap ng koponan ang ikalawang sunod na kabiguan para sa kabuuang 3-8 kartada.

Sa ikalawang laro, binawian ng Adamson University Soaring Falcons ang University of the East Red Warriors, 79-71.

Samantala, sisiguruhin ngayon ng nangungunang La Salle ang pagkapit sa unang puwesto sa pagsagupa nito sa season host University of Santo Tomas sa tampok na laro ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Agad na magsasalpukan ang Green Archers na asam ang ika-11 sunod nitong panalo sa unang laro ganap na alas-2 ng hapon na susundan ng tapatan ng Ateneo de Manila University at National University ganap na alas-4 ng hapon.

Nasiguro ng La Salle ang isa sa dalawang silya na may dalawang beses tataluning insentibo sa pagsungkit nito sa ika-10 panalo habang agad nitong masisiguro ang unang silya kung patuloy nitong mapapanatili ang malinis na kartada.

Una nang tinambakan ng Green Archers ang Growling Tigers ng kabuuang 38-puntos, na naitala bilang league record ngayon na pinakamalaking winning margin, sa una nilang pagtatagpo sa unang ikot ng eliminasyon sa iskor na 100-62.

Pilit naman tatabunan ng Tigers ang masaklap na kabiguan sa muling pagsagupa sa tila pader na Green Archers sa pagtatangka na maging unang koponang tatapos sa pamamayagpag ng La Salle.

Hangad din ng UST na makawala sa pagkakabuhol sa UP sa ikaanim na puwesto sa bitbit na 3-7 panalo-talong kartada.

Sariwa pa sa importanteng panalo kontra NU sa huli nilang laro, bibitbitin ng Tigers ang inspirasyon sa naitalang ikatlong panalo sa loob ng sampung laro sa Bulldogs para patuloy na buhayin ang kanilang tsansang makahabol sa Final Four.

Sisikapin naman ng Bulldogs na bumangon sa natamong ikatlong sunod na pagkatalo sa pagsagupa muli sa Ateneo Blue Eagles na tinalo nito sa kanilang unang paghaharap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hangad ng Bulldogs na makaahon sa ikalimang puwesto hawak ang 4-6 panalo-talong baraha para makahabol sa susunod na round.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending