JC Santos malalim ang hugot sa isyu ng kabaklaan | Bandera

JC Santos malalim ang hugot sa isyu ng kabaklaan

Reggee Bonoan - October 23, 2016 - 12:10 AM

JC Santos

WALA nang nagawa si Ali (JC Santos) kundi aminin ang tunay niyang pagkatao matapos mabuking ng amang si Greggy (Robert Sena) na bading siya sa Primetime Bida series na Till I Met You sa ABS-CBN.

Matinding emosyon ang pinakawalan ni JC sa eksena nila ni Robert, lalo na nu’ng pinalayas na siya ng ama dahil hindi raw nito matatanggap ang kanyang kabaklaan.

Agad naman siyang dinamayan ng mga kaibigang sina Iris (Nadine Lustre) at Basti (James Reid) para harapin ang kanyang pinagdaraanan.

Maraming pumupuri kay JC dahil sa napakanatural at very convincing portrayal niya bilang gay. Pero sabi ng binata, hindi naman daw siya natatakot na ma-typecast sa gay roles, hangga’t natsa-challenge raw siya sa isang proyekto, hindi siya magdadalawang-isip na tanggapin ito kahit bading uli ang role niya.

Samantala, umamin na rin si Basti na gusto niya uling ligawan si Iris. Habang mabigat ang problema ng kanilang kaibigang si Ali ay maganda naman ang nagiging kapalaran ni Basti ngayong nagkaroon na siya ng pagkakataong makilala ang pamilya ni Iris, pati na rin ang ina nitong si Cassandra (Carmina Villarroel).

Upang maipakita rin na malinis ang kanyang hangarin, inamin niya kay Lolo Soc (Noel Trinidad) na nais niyang muling ligawan si Iris at ibalik ang kanilang pag-iibigan.

Ano nga ba ang gagawin ni Ali upang matanggap siya ng kanyang ama? Tuloy-tuloy naman kayang umayon ang kapalaran kina Iris at Basti?

Kaya patuloy na tumutuok sa mas lalo pang nagiging exciting na kuwento ng Till I Met You sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending