Kilalang aktres, male star pasok sa celebrity drug list ni Duterte | Bandera

Kilalang aktres, male star pasok sa celebrity drug list ni Duterte

Reggee Bonoan |October 23,2016
facebook
share this

Kilalang aktres, male star pasok sa celebrity drug list ni Duterte

Reggee Bonoan - October 23, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM F-M 0322
NA-SHOCK kami sa kuwento ng aming source na aabot pala sa mahigit 50 personalidad sa showbiz ang nasa listahan na sangkot sa ilegal na droga. “User and pusher ‘yung nasa list,” kaswal na kuwento ng aming kausap.

May binanggit kaming pangalan ng mga artista kung kasali sila sa listahan, may kinumpirma ang aming source pero meron din siyang hinindian.

Open secret naman kasi ang tungkol sa isang aktres na nangunguna pala sa celebrity drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte na under surveillance na raw ngayon kaya dapat na siyang mag-ingat talaga.

Marami pa kaming napagkuwentuhan ng aming source at nabanggit niya ang isang aktor na kilala rin ngayon at kaliwa’t kanan ang projects sa pinaglilingkuran nitong TV network.

Nagulat kami dahil ni minsan ay hindi pumasok sa isipan namin na gumagamit o user ang aktor dahil malinis ang imahe niya at higit sa lahat galing naman sa maayos na pamilya at mabait pa.

“Kasama siya, nasa listahan din ang name niya,” kaswal uling sabi sa amin.

Bigla tuloy naming inalala ang mga panahong nakakausap namin ang aktor, pansin lang namin na sobrang daldal niya for a guy, pero inisip namin na baka sadyang nature niya iyon dahil nasa showbiz naman siya at marami siyang kilalang miyembro ng entertainment press.

Hayun, naalala na namin, panay ang inom niya ng tubig noong iniinterbyu namin siya at medyo tuyot ang itsura, pero ang katwiran niya noon kaya siya payat ay dahil sa sunud-sunod na shooting ng first movie niya, at meron pa siyang ginagawang serye noon.

Nagkaroon din ng girlfriend ang aktor at nu’ng mga panahong sila pa ay lagi silang nag-aaway. Napansin din namin na parehong tuyot ang kanilang balat. Pero ngayong hiwalay na sila ay gumanda na ang katawan nila at hindi na tuyot.

At kamakailan lang ay nakausap ng mga katoto ang aktor at okay naman daw, madaldal pa rin at maraming hugot sa buhay.

Pero masaya na raw ang aktor dahil marami siyang projects, ‘yun lang, wala siyang lovelife ngayon.
Isa pang nabanggit ng aming source, “Itong si _____ (pangalan ng aktres) hindi pa rin nagbabago, kapag nahuli siya, mabubulok siya sa bilangguan kasama nu’ng mga ibang nahuling artista.”

Nu’ng binanggit sa amin ang aktres ay hindi na kami nagulat o nagtaka dahil iba rin ang itsura nito kapag napapanood namin sa telebisyon, para kasi siyang laging dilat at gigil na gigil umarte na senyales daw ng mga taong gumagamit ng ilegal na droga.

“Sayang siya, dapat bumitaw na siya sa paggamit, walang mangyayari sa buhay niya, ‘wag niyang sayangin,” sabi pa ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tatlo lang ang nabanggit na pangalan sa amin ng source, sa susunod na lang daw ulit kami magtsikahan dahil marami pa siyang ibubuking.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending