Horoscope, October 22, 2016 | Bandera

Horoscope, October 22, 2016

Madam Sophia |October 22,2016
facebook
share this

Horoscope, October 22, 2016

Madam Sophia - October 22, 2016 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Isang malaking sopresang ang darating may kaugnayan sa salapi. Kapag maraming pera kailangang matututong magtipid upang hindi na uli kapusin. Sa pag-ibig, tuloy ang agos ng ligaya habang kadikit ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 4, 13, 22, 32, 42, at 45. Mahiga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Red at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Wag regaluhan ng mamahaling bagay ang kasuyo, ang mas mahalaga yong kayong dalawa lang sa tahimik at pribahong silid. Sa pinansyal, tandaang ang nagagawa ng pag-ibig ay hindi kayang gawin ng pera. Mapalad ang 2, 11, 25, 29, 33, at 34. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Maraming lihim na naiingit sa iyo at nagtatangkang ikaw ay siraan. Maging matatag! Darating ang panahong iisa lang ang magiging kakampi mo – ang kasuyong Scorpio. Sa pinansyal, aangat ng husto ang graph ng pag-unlad sa pagpasok na pagpasok ng buwan ng Nobyembre. Mapalad ang 7, 14, 23, 28, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om”. Red at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Mas magiging exciting ang relasyon sa biglaan at hindi pinagplanuhang romansa. Sa pinansyal, bigla ang dating ng pera, pero bigla ding mauubos. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Magenta at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Huwag makinig sa mungkahi ng iba. Sa sariling diskarte kikita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig sundin ang tinitibok ng puso upang tuloy-tuloy ka ng lumigaya. Mapalad ang 1, 10, 22, 28, 38, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Beige at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Hindi dapat makipagkumpitensya sa mga kapit-bahay. Hindi nakakatulong ang pagmamayabang upang umunlad. Sabihin sa kasuyo, “Wag kang mainggit sa mga kapit-bahay, magkakaron din tayo nyan!” Mapalad ang 4, 13, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Yellow at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Hindi dapat pagsabaysabayin ang mga ginagawa, mag-concentrate sa produktong pagkain. Sa pag-ibig, isa-isa lang dapat ang relasyon at maging tapat ka sa kanya, upang magpatuloy ang ligaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Katha-Upanisad-Om”. Silver at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Mahirap talagang maperfect ang isang relasyon, wala naman kasing perpektong tao. Makuntento na sa kasalukuyang kasuyo, kaysa mawala pa siya magpa-pasko pa naman at pagkatapos ay manghihinayang ka. Sa pinansyal tuloy ang pag-angat ng kita habang lumalapit ang Holiday Season. Mapalad ang 6, 18, 29, 30, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kaleneha-Mahata-Nastah.” Blue at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Upag lumigaya at umunlad mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, itutok ang atensyon sa isang Cancer. Mapalad ang 6, 9, 21, 29, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Arjuna.” Red at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ang pagiging matapat ang magbibigay ng pag-unlad. Laging maging tapat sa kausap. Sa pag-ibig, tigilan na ang panlilinlang sa kasuyong mabait baka sa bandang huli ikaw naman ang maisahan niya. Mapalad ang 3, 18, 21, 28, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Pink at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag kimkimin ang lungkot na nadarama. Maghanap ng mapagkakatiwalaang kakuwentuhan. Sa pinansiyal, ang negatibong damdamin ay magdudulot ng pagkalugi. Panahon na upang ibahagi sa minamahal ang mabibigat na problema. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada.” Orange at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pinansiyal, maging maingat sa pagpili ng kososyo may babala ng pagka-lugi. Sa pag-ibig, ituon na lamang ang pansin sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Bene-Vivit.” White at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag isiping mahihirapan kang makahanap ng puhunan sa negosyong noon mo pa binabalak. Sa panahon ding ito kusang may mag-aalok upang masimulan ang negosyong may kaugnayan sa kapaskuhan. Tanggap lang ng tanggap at laging magpasalamat kay Lord. Mapalad ang 1, 7, 19, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending