Retokadang sexy star hindi pa sumisikat pero sukdulan na ang kamaladitahan | Bandera

Retokadang sexy star hindi pa sumisikat pero sukdulan na ang kamaladitahan

Cristy Fermin |October 21,2016
facebook
share this

Retokadang sexy star hindi pa sumisikat pero sukdulan na ang kamaladitahan

Cristy Fermin - October 21, 2016 - 12:35 AM

BLIND ITEM  FEMALE 0318ABA, aba, aba! Mukhang totoo nga mga kuwentong umiikot ngayon na sa sobrang kauhawan sa popularidad ay nalulunod na ngayon sa isang basong tubig ang isang young sexy actress.

Hindi pa man niya naaabot ang tagumpay ay may mga istoryang gusto nang abutin ng hitad na babaeng ito ang langit sa pagpapalutang ng kamalditahan.

Maraming na-shock sa lakas ng loob ng babaeng ito sa paglalantad ng kanyang katawan, pero mas marami ang nawindang, dahil masyado na siyang feelinggera ngayon.

Naimbitahan ang hitad na female personality sa isang probinsiya, siya ang special guest sa selebrasyon, pero maraming nabuwisit sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Hindi pa man, e, napaka-feeling na ng babaeng ‘yun! Marami na siyang reklamo, sangkatutak na ang mga tanong niya, kung anu-ano na ang hinahanap niya sa mga show organizers!

“Kapag may lumalapit sa kanya para magpa-picture taking, e, todo sa pagsimangot ang hitad, walang kagana-gana, para bang kung ano na ang hinihingi sa kanya ng mga tagaroon!

“Hooooyyyy!!!! Ano na ba ang ipinagmamalaki niya, ang katawan niya na puro naman salamat po, doktor ang pinagdaanan? Magtigil siya!” inis na inis na kuwento ng aming impormante.

Kalat na kalat na ang kamalditahan ng babaeng ito na balitang niregaluhan ng isang bonggang-bonggang karu ng kanyang boyfriend na anak ng isang dating kilalang pulitiko.

Patuloy ng aming source, “Tantanan niya ang mga pinaggagagawa niya, wala pa siyang puwedeng ipagmalaki!

“Kimkimin niya na lang ang kamalditahan niya kung ayaw niyang paggugutayin ng mga utaw ang mukha niya sa kalendaryo!”

Nakow, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong perpek ang hula n’yo tungkol sa malditang babaeng ito!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending