Unang show sana ni Kris sa GMA 7 pinalitan ng 'TROPS' ng EB Baes | Bandera

Unang show sana ni Kris sa GMA 7 pinalitan ng ‘TROPS’ ng EB Baes

Reggee Bonoan - October 20, 2016 - 12:25 AM

eb baes

DAHIL hindi na matutuloy ang programa ni Kris Aquino sa GMA 7 na dapat sana’y pre-programming ng Eat Bulaga kaya pinalitan na ito ng TROPS (mula sa salitang tropa).

Ito ay isang millennial oriented program na pagbibidahan ng Eat Bulaga Baes na sina Kenneth Medrano, Kim Last, Tommy Penaflor, Jon Timmons, Miggy Tolentino, Joel Palencia at si Taki.

Makakasama rin sa daytime series na ito ng GMA sina Benjie Paras, Ina Raymundo at Irma Adlawan mula sa direksyon ni Linnet Zurbano produced ng TAPE, Inc. at mapapanood na sa Lunes, Okt. 24, 11:30 a.m..

Naglabasan sa balita na may maimpluwensiyang taong humarang kay Kris sa GMA kaya hindi na matutuloy ang programa niya at ito rin marahil ang dahilan kung bakit nag-post ang Queen of All Media sa Instagram ng, “Ready for #mynextchapter.”

Samantala, halos lahat ng miyembro ng entertainment press na dumalo sa TROPS launching noong Martes ng gabi ay iisa ang gustong itanong sa executives ng TAPE, ano nga ba ang nangyari sa programa ni Kris?

Si Ms. Camille Gomba-Montano, program manager ng TAPE/APT Entertainment ang nasa presscon kaya siya ang kinulit namin tungkol dito, “Naku, ‘wag ako ang tanungin mo diyan, wala akong alam, hindi ako ang tamang taong pagtatanungan mo,” tumatawang sabi sa amin.

Wala rin ang APT big boss na si Mr. Tony Tuviera, “Wala sila out of the country,” mabilis na sagot sa amin ng program manager.

Oo nga pala, nilibre ni Mr. T at anak niyang si direk Michael Tuviera ang buong staff nila sa Japan para makapag-relax bago magsimula sa bagong project. Bakit hindi kasama si Ms. Camille sa Japan?

“Walang tatao sa tindahan, heto may presscon kami,” aniya.

“Saka itong TROPS, matagal na itong naka-line-up, kaya wala akong alam sa sinasabi mong show ni Kris, hindi ko alam ‘yang show ni Kristeta,” diin ni Ms. Camille.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, may ibubuga naman ang grupo ng TROPS base sa napanood naming talent nila at mahuhusay silang sumayaw bukod sa mga gwapo pa kaya puwedeng-puwedeng itapat sa Hashtags ng It’s Showtime kung sayawan din lang ang paglalabanan.

Tungkol sa buhay ng mga millennial ang kuwento ng TROPS tulad ng isyu ng peer pressure, friendship, rivalry, generation gap at iba pang problemang hinaharap ng mga kabataan ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending