Lovi, Derek uminom muna ng alak bago nag-sex sa harap ng camera | Bandera

Lovi, Derek uminom muna ng alak bago nag-sex sa harap ng camera

Reggee Bonoan |October 16,2016
facebook
share this

Lovi, Derek uminom muna ng alak bago nag-sex sa harap ng camera

Reggee Bonoan - October 16, 2016 - 12:01 AM

lovi poe at derek ramsay
INAMIN ni Lovi Poe na ang “The Escort” ang pinakagrabeng nagawa niya pagkatapos ng “My Neighbor’s Wife.”

Parehong may love scene si Lovi sa dalawang leading man niya sa pelikula, sina Derek Ramsay at Christopher de Leon.

Sabi ng aktres nang makorner ng entertainment reporter pagkatapos ng presscon ng pelikula kamakailan, “I think it is the sexiest I’ve done. Siguro matagal na panahon din akong napahinga sa ganitong klaseng pelikula, now that I’m back, suwerte po ako na kasama ko sina Derek at Mr. Boyet.”

Sa tanong kung ano ang nararamdaman ni Lovi kapag may eksena siyang nakikipagtalik, “Kapag mga ganu’ng eksena po kasi, marami kang maiisip, siyempre ngayon mo lang ito gagawin sa harap pa ng maraming tao with all the cameras, ang suwerte ko po kasi sobrang gentleman nila, parehong maalaga po sina Derek at Mr. Boyet si I’m just very lucky,” saad ni Lovi.

Magkaiba raw ang istilo ng pakikipagtalik ni Lovi sa dalawang leading man niya, “Magkaiba po ‘yung atake ng love scene namin ni sir Boyet sa scene namin ni Derek because, isa sa kanila is with love at isa sa kanila is work na kinailangang gawin.

“Magkaibang epekto rin kasi with Derek, with so much love. May scene kami ro’n ni sir Boyet na sobrang simple lang ng eksena, pero ang galing ng direktor (Enzo Williams) namin dahil from someone who’s very gentleman tapos magiging rough (love scene),” kuwento ng dalaga.

Nakahubad ba si Lovi sa mga eksena at hindi ba siya nailang sa set? “Of course, nakakailang talaga, but suwerte ako kasi we have to take care of camera angles, meron din naman po akong takip pero, siyempre may mga parts na ‘yung takip na lang naiwan,” sagot ng dalaga.

Dagdag pa ng dalaga, “Kahit po ginagawa ko naman ito (love scenes), ayoko namang magpakita ng (private parts). Meron akong suot na skin-tone (na damit).”

q q q

Sa susunod na pelikula ni Lovi ay kaya pa kaya niyang higitan ang ginawa niya sa “The Escort”? “I think, kaya pa, it’s not about the love scene kasi iba naman ang istorya nito. If I’ll be given a different kind of story, puwede pa po,” paliwanag ng aktres.

Aminadong uminom muna ng alak sina Lovi at Derek bago nila ginawa ang kanilang maiinit na eksena, “Nag-shot muna kami bago mag-eksena tapos namili kami ng song na puwede naming sabayan para may rhythm ‘yung love scene namin,” pagtatapat ng dalaga.

E, madadala ka nga niyan sa love scene kapag nakainom kaya pala ang ganda ng mga eksena nina Derek at Lovi, parang totoong-totoo.

Sa tanong kung kaya malakas ang loob niyang makipag-love scene sa pelikula ay dahil wala siyang karelasyon ngayon.

“With or without naman, I still be able to do it,” hirit ng dalaga.

“I’m single now and I’m open to dating people, napangiting sabi ni Lovi.

Isang French guy named Chris Johnson ang dini-date ngayon ng aktres na nakilala niya through her friends din.

Kaya ang balik-tanong kay Lovi ay kung naimpluwensiyahan siya ng mga kaibigan niya na puro foreigner ang napangasawa tulad nina Solenn Heussaff, Isabelle Daza at iba pa.

“Hindi ako naimpluwensiyahan, it just happened na I met him (Chris) here for a vacation and ‘yun nga may effort na bumibiyahe talaga siya rito,” paliwanag ng aktres.

Sabi pa ni Lovi, “I don’t believe in courtship kasi, courtship is best foot forward hindi ako naniniwala sa ganu’n. I believe in companionship na tipong you get to know the person even more.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And the thing is, okay naman ako sa ganitong set-up, yes, we communicate pero malayo siya sa akin and it’s a good thing for me kasi I don’t want to get into relationship right now, mas gusto kong sarili ko muna, trabaho ko muna,” paliwanag pa ng leading lady ni Derek sa “The Escort”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending