Michael ayaw nang umakting: Kakantahan ko na lang kayo! | Bandera

Michael ayaw nang umakting: Kakantahan ko na lang kayo!

Reggee Bonoan - October 11, 2016 - 12:30 AM

michael pangilinan

DALAWANG buwan na ang nakararaan nang masulat namin dito sa BANDERA na hindi na pala nakikita ni Michael Pangilinan ang kanyang anak, inamin niya ito nang makausap namin sa The Solaire Theater sa presscon ng “A Concert of World-Class Pinoy Performers@The Theater” produced ng Lucky 7 Koi Productions.

Kuwento noon ng singer idadaan niya sa legal action ang lahat para makita ang anak. Sa launching ng second album ni Michael ay tinanong namin ang update sa bata.

“Magiging okay na po ‘yun bago matapos ang taon na ‘to makakasama ko na ‘yung baby ko. On-going pa rin naman po ‘yung nangyayaring usapan about my visitation rights. Limang buwan ko na pong hindi nakikita ang anak ko,” kuwento ng binata.

“Actually po, lagi akong nagtatanong kung ano ang kailangan ng baby, hindi po nila sinasabi at saka ayaw nilang tanggapin ang sustento ko. Kaya wala po akong magagawa, pero may ginagawa naman ako para sa anak ko,” ani Michael.

Tinanong din namin kung may offer bang gumawa ulit siya ng pelikula, “Ayoko pong mag-artista, ang hirap, siguro first and last ko po ‘yung ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’. Hindi ko talaga linya ang umarte, kakanta na lang ako.

“Sa serye, hindi ko alam kay Nanay (Jobert Sucaldito, manager niya) kung meron, basta ako, ayoko pong umarte, kakanta lang ako,” sabi ng binatang ama.

Karamihan kasi sa mga singer ngayon ay nag-aartista na rin dahil hindi naman laging may gig o concert.
“So far po, okay naman ako, hindi man ako sikat, hindi naman ako nawawalan ng shows, sa isang linggo, nakakaapat naman ako o more pa, okay na ‘yun, nakakaipon naman po maski paano.

“Heto may second album na so masaya kasi maski ang higpit ng kumpetisyon ngayon sa recording, hindi pa rin ako pinababayaan ng Star Music at ni nanay (Jobert) na siyang producer ng album ko.

“Masaya ako kasi may sinulat akong kanta sa album ko, ‘yung ‘Tanging Ligaya Ko’. And the rest of the songs po, si Nanay na ang pumili. ‘Yung ‘Hanggang Kailan’ po ang carrier single ko,” kuwento ni Michael.

Ilan sa mga awiting nakapaloob sa album ay ang version ni Michael ng “Ayoko Na Sana” (Ariel Rivera), “Tag-Ulan Tag-Araw” (Hajji Alejandro), “Everything I Own” (Bread) at “Kung Sakali” (Pabs Dadivas).

Kasama rin ang mga awiting “Angels”, “Tayo Na Lang”, “Pare Mahal Naman Kita”, “Bakit Ba Ikaw”, “Crossroads” at “Parang Tayo Pero Hindi.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending