Wish ni Susan kay Coco: Sana makita mo na ang lifetime partner mo! | Bandera

Wish ni Susan kay Coco: Sana makita mo na ang lifetime partner mo!

Reggee Bonoan |October 10,2016
facebook
share this

Wish ni Susan kay Coco: Sana makita mo na ang lifetime partner mo!

Reggee Bonoan - October 10, 2016 - 12:10 AM

susan roces at coco martin

MAAGA pa lang ay napakahaba na ng pila sa palibot ng Araneta Coliseum para mapanood ang star-studded na 1st year anniversary concert ng FPJ’s Ang Probinsyano.

At kahit umulan pa nang bandang hapon ay hindi umalis sa kanilang mga puwesto ang mga tao at talagang naghintay hanggang papasukin sila sa loob ng Big Dome.

Pagpasok namin ay talagang punumpuno ang Araneta pati likod ng stage ay pi-naupuan na rin dahil wala nang mapwestuhan. Ang tindi ng sigawan ng bawa’t kampo ng fans na nakakabingi talaga.

Aliw ang showdown ng Hashtags sa pangunguna ni Mccoy de Leon kasama ang mga Ang Probinsyano Boys na sina John Prats, Pepe Hererra, Marvin Yap, John Medina, Michael Roy Jornales, Lester Llansang, Marc Arcueza, Marc Solis, Benj Manalo at Arjo Atayde.

Siyempre mas lalong ginanahan ang audience nang lumabas na sa stage sina Coco Martin, Onyok, Makmak, Albert Martinez, Paulo Avelino, Richard Yap, Janella Salvador, Elmo Magalona, McCoy, Elise Joson, Maja Salvador, Vina Morales, Agot Isidro, Ayen Munji-Laurel at Vice Ganda.

Tawanan at talagang padyakan to the max ang production number nina Vhong Navarro, Pepe, Onyok at Coco na kahit hindi talaga dancer ay hindi rin nagpakabog sa Streetboys.

Sa Nobyembre pa ang kaarawan ni Coco pero may advance celebration na dahil binigyan siya ng tribute ng mga taong natulungan niya lalo na ang mga staff and crew ng programa niya. Nalaman namin na kapag walang taping ay walang kita ang ilan sa mga ito kaya pinagbibigyan sila ni Coco ng pedicab na nagagamit nilang panghanap-buhay para sa pag-araw-araw na gastusin.

Nagbigay naman si Susan Roces ng mensahe para kay Coco, anito, “Sana makita mo na ang lifetime partner mo. At habang buhay pa ako gusto kong makita ang mga little Coco!” na sinundan ng malakas na hiyawan ng mga tao sa Araneta.

Nakakabingi rin ang sigawan ng fans nang kumanta na ang Till I Met You stars na sina James Reid, JC Santos at Nadine Lustre. Dumating din sa event sina Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Sam Milby para sa promo ng pelikulang “Third Party” na mapapanood na sa Oct.12.

Binigyan ng bulaklak ni Coco si Angel sabay sabing, “Gel, hindi namin isasara ang Probinsyano hangga’t hindi ka nagi-guest!”

Nagpasalamat din si Coco kina direk Olive Lamasan, Ms. Malou Santos ng Star Cinema, Ms. Susan Roces, Ms. Charo Santos at ang lahat ng taong bumubuo ng FPJ’s Ang Probinsyano na ipinakilala pa isa-isa sa katapusan ng concert, kasama na ang direktor ng serye na sina Avel Sunpongco, Malu Sevilla at ang business unit head ng Dreamscape Entertainment na si Mr. Roldeo Endrinal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending