UP Maroons ginulat ang Ateneo Eagles; UE Warriors dinaig ang UST Tigers | Bandera

UP Maroons ginulat ang Ateneo Eagles; UE Warriors dinaig ang UST Tigers

Angelito Oredo |October 09,2016
facebook
share this

UP Maroons ginulat ang Ateneo Eagles; UE Warriors dinaig ang UST Tigers

Angelito Oredo - October 09, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. NU vs FEU
4 p.m. Adamson vs La Salle
Team Standings: La Salle (7-0); FEU (5-2); Adamson (4-3); NU (4-3); Ateneo (4-4); UE (2-6); UP (2-6); UST (2-6)

KAPWA nagtala ng matinding upset na panalo ang nasa hulihang University of the Philippines at University of the East Sabado matapos biguin ang Ateneo de Manila University at ang season host na University of Santo Tomas sa pagsisimula ng ikalawang round ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Unang binigo ng UE Red Warriors ang UST Growling Tigers, 71-61, para sa ikalawang sunod nitong panalo habang hinablot ng UP Fighting Maroons ang ikalawang panalo sa pagbigo sa Ateneo Blue Eagles, 56-52, upang kapwa pagandahin ang kanilang mga kartada sa 2-6.

Sinandigan ng UP ang krusyal na tres ni Christopher Angelo Vito sa huling 16.4 segundo ng laro upang panatiliin ang tsansa ng Fighting Maroons na makaagaw ng silya sa pinaglalabanang Final Four.

Una munang itinala ng UP ang pinakamalaki nitong abante sa pitong puntos, 51-44, may 5:10 sa laro bago lumapit ang Blue Eagles sa paghulog ng 6-0 atake upang pahigpitin ang laban sa 50-51 iskor, may 1:37 pa sa laro.

Naihulog ni Vito ang isang tres subalit binalewala ito ng mga referees matapos sabay na tawagan ng offensive foul ang kakampi nito na si Andres Paul Desiderio.

Gayunman, hindi napigilan si Vito na ihulog ang tila patalim na tres upang ibigay sa Blue Eagles ang ikaapat nitong kabiguan sa torneo.

Samantala, pagkakataon naman ngayon ng Adamson University Soaring Falcons na maging unang koponan na makapagdudungis sa malinis na kartada ng nangungunang De La Salle University Green Archers sa tampok na laro sa pares ng labanan sa Mall of Asia Arena.

Muli munang magsasagupa ganap na alas-2 ng hapon ang nagtatanggol na kampeong Far Eastern University Tamaraws at ang National University Bulldogs bago ang inaasahang magiging maigting na ikalawang paghaharap ng Adamson Soaring Falcons at patuloy na nagpapakita ng lakas na Green Archers sa alas-4 ng hapon.
Matatandaan na binigo ng FEU Tamaraws sa huling araw ng unang round ng eliminasyon ang NU Bulldogs, 78-75, upang solohin ang ikalawang puwesto sa kabuuan na 5-2 panalo-talong kartada. Nahulog naman ang Bulldogs sa tatlong koponang nasa ikatlong puwesto na may 4-3 rekord kasama ang Soaring Falcons.

Huli naman tinalo ng Adamson ang season host na UST Growling Tigers, 79-52, para sa ikaapat nitong panalo sa eliminasyon matapos na mamalagi sa hulihan sa nakaraang taon. Tampok sa panalo ng Adamson ang pagbiktima sa Ateneo, 62-61, at NU, 64-51.

Nabigo sa kanilang unang pakikipagharap ang Adamson kontra La Salle, 91-75, bagaman pilit na gaganti ang Falcons sa pagnanais na madungisan ang kartada ng Green Archers upang mapatatag ang pagkapit nito sa Final Final para mapataas ang tsansa sa second round ng labanan.

Magbabalik naman para sa Green Archers ang coach nito na si Aldin Ayo matapos masuspindi ng isang laro dahil sa pagsugod sa referee na si Eric Viray at pilit na nilalagyan ng salamin upang ipadama ang hindi nito pagkakakita sa dapat sana maitawag na foul.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi pa naman sigurado kung makakalaro na ang team captain ng La Salle na si Jeron Teng na matatandaan na hindi nakalaro sa kanilang laban kontra Ateneo bunga ng foot injury.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending