Ikalimang panalo dadagitin ng Ateneo Blue Eagles | Bandera

Ikalimang panalo dadagitin ng Ateneo Blue Eagles

Angelito Oredo |October 08,2016
facebook
share this

Ikalimang panalo dadagitin ng Ateneo Blue Eagles

Angelito Oredo - October 08, 2016 - 01:00 AM

ateneo

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. UST vs UE
4 p.m. Ateneo vs UP
Team Standings: La Salle (7-0); FEU (5-2); NU (4-3); Ateneo (4-3); Adamson (4-3); UST
(2-5); UP (1-6);  UE (1-6)

PILIT aahon ang Ateneo de Manila University Blue Eagles sa nalasap na kabiguan sa karibal na De La Salle University Green Archers sa pagsagupa nito ngayong hapon sa University of the Philippines Fighting Maroons sa pagsisimula nito sa kampanya sa ikalawang round ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Una munang maghaharap ang University of the East Red Warriors na asam ang ikalawang sunod na panalo kontra sa patuloy na dumadausdos na season host University of Santo Tomas Growling Tigers sa alas-2 ng hapon bago sundan ng salpukan ng Ateneo at UP sa ganap na alas-4 ng hapon.

Nabigo ang Blue Eagles noong Linggo para mapabilang sa pitong biktima sa tanging may malinis na kartada sa liga na Green Archers, 81-97, upang mahulog din sa tatlong koponang ikatlong puwesto na may 4-3 panalo-talong kartada kasama ang Adamson University Soaring Falcons at National University Bulldogs.

“It’s done. It’s history. The important thing was we’ll work on our weaknesses from that game and come back stronger as we give it one more try,” paliwanag ni Ateneo forward Thirdy Ravena.

Tatlong sunod na kabiguan naman ang nalasap ng Fighting Maroons matapos na masungkit ang una nitong panalo kontra Red Warriors, 75-71, na naghulog dito sa pagsalo sa dalawang koponang nasa hulihang puwesto na may 1-6 panalo-talong karta.

Galing din sa tatlong sunod na pagkatalo sa loob ng apat na laro ang UST na ang huli ay kontra sa Adamson, 52-79, na naghulog dito sa ikaanim na puwesto sa bitbit na 2-5 kartada. Tanging nagwagi ang UST kontra sa UE, 88-87, at UP, 83-77.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending