Gusto ng iwanan ang GF na hindi na virgin (2) | Bandera

Gusto ng iwanan ang GF na hindi na virgin (2)

Joseph Greenfield |October 01,2016
facebook
share this

Gusto ng iwanan ang GF na hindi na virgin (2)

Joseph Greenfield - October 01, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Aldryn ng Napocor Road, Fuentes, Iligan City
Problema:
1. May girlfriend ako sa ngayon at masaya naman ang relasyon namin, hanggang isang araw ay natuklasan ko at inamin niya sa akin na hindi na daw siya virgin. At simula ng malaman ko iyon, nanghinayang ako kasi asang-asa ako na sa edad nyang 19 ay malinis na malinis ko pa siyang maihaharap sa altar. Sa ngayon tuloy ay nagdadalawang isip ako kung makikipag-break na ba ako sa kanya o ituloy ko lang ang aming relasyon kahit na wala naman akong pangarap sa buhay ko na hindi na virgin ang aking mapapangasawa.
2. Kaya sa ngayon naguguluhan ako kasi napamahal na siya sa akin. Ano ba ang dapat kong gawin? Kami na kaya ang magkakatuluyan o may darating pang ibang babae sa akin na wala pang karanasan? September 7, 1992 ang birthday ko at May 11, 1997 naman ang birthday ng girlfriend ko.
Umaasa,
Aldryn ng Iligan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) habang Taurus naman ang girlfriend mo, ay nagsasabing walang alinlangan, compatible kayo sa aspetong pang-Astrology. Ibig sabihin din nito, kahit na hindi na virgin ang girlfriend mo, napakalaki ng tsansa na kapag kayo ang nagkatuluyan may pangako ng isang maligaya at pang habang buhay na relasyon.
Numerology:
Ang birth date mong 7 at 11 naman ang girlfriend mo ang nagsasabing bagamat kapwa mahina ang inyong looob, patuloy namang titibay at magiging maligaya ang inyong pagmamahala habang tumatagal, kahit na sabihin pang hindi na virgin ang girlfriend mo at nag-aalinlangan ka sa sarili mo kung dapat ba o hindi dapat na siya ay pakasalan.
Luscher Color Test:
Panatiliin ang pagamit ng kulay na pula at berde sa sandaling kayo ay nagkatuluyan upang lalo pang gumanda at umunlad ang itatayo nyong pamilya.
Huling payo at paalala:
Aldryn ayon sa iyong kapalaran anuman ang maging desisyon mo sa bandang huli ang takdang kapalaran pa rin ang iiral. Sa ayaw at sa gusto mo kayo na nga ang magkakatuluyan ng girlfriend mo at ito ay tinatayang magaganap sa taong 2018 sa edad mong 26 paataas at 21 naman ang girlfriend mo, kung saan ang pag-aasawa o pagpapakasal na nabanggit ay tuloy-tuloy na ring hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay na pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending