Sam di natakot gumanap na beki: Sure ako sa gender ko! | Bandera

Sam di natakot gumanap na beki: Sure ako sa gender ko!

Reggee Bonoan |October 01,2016
facebook
share this

Sam di natakot gumanap na beki: Sure ako sa gender ko!

Reggee Bonoan - October 01, 2016 - 12:25 AM

sam milby

HINDI nagdalawang-isip si Sam Milby na tanggapin ang papel bilang bading na boyfriend ni Angel Locsin at lover ni Zanjoe Marudo sa pelikulang “Third Party” mula sa Star Cinema sa direksiyon Jason Paul Laxamana.

“Walang hesitation kasi nga as an actor, you’re always looking for different roles to challenge yourself, so no hesitation,” sabi ng aktor sa presscon ng pelikula kamakailan.

Nagkaroon kasi ng isyu noon sa gender ni Sam kaya tinanong namin kung hindi ba siya nagkaroon ng agam-agam, “Ako kasi, I’m comfortable with my sexuality and I think if I were someone that were trying to hide that about me, I don’t think I would do a role that would expose that part. People think whatever they want (I don’t care).”

Paano kung magkatotoo ang kuwento ng “Third Party” sa personal nilang buhay na ipagpalit siya sa iba? “Siyempre masakit, kahit sino man ‘yun,” saad nito.

Kaya bang gawin ni Sam ang mga eksena sa Hollywood movie na “Brokeback Mountain” kung saan may love scene at kissing scene ang dalawang bidang lalaki? “It’s a light movie kaya gusto ko at ginawa namin ni Zanjoe maging believable ‘yung love namin sa isa’t isa.

“Pero ‘yung sa ano, (Brokeback Mountain na pinagbidahan ni Jake Gyllenhaal at ng yumaong Heath Ledger), parang hindi ko ma-imagine na gawin ‘yun na sobrang seryoso at heavy drama ‘yun,” katwiran ng aktor.

Wala bang kissing scene sina Sam at Zanjoe sa “Third Party”, “There’s a few scenes na sweet scenes kami, parang awkward talaga, pero in-enjoy namin, pinagtawanan lang namin talaga,” nakangiting sagot ni Sam.

Kung kailangan ng sexual relationship sa pelikula, payag ba si Sam, “Basta hindi lang katulad nu’ng sa Brokeback Mountain na sobrang laplapan.”

Samantala, nakangiting kuwento ng direktor na si JP, kinikilig din siya sa mga eksena nina Sam at Zanjoe sa movie dahil ang ganda raw ng chemistry ng dalawa. Kaya pala sabi ni Angel, natutulala na lang siya sa galing umarte ng “magka-loveteam”.

Mabuti na lang at kilala namin nang personal si Zanjoe kaya natawa na lang kami sa biro niya na mami-miss nila ni Sam ang isa’t isa kapag natapos na ang shooting nila para sa “The Third Party”.

Tinanong din namin si Zanjoe pagkatapos ng presscon kung kumusta na ang love life niya at kung handa na ba siyang main-love muli, “As of now, wala, eh. Wala pa akong nakaka-date, busy kami dito sa movie. And focus ako kay Sam ngayon,” birong sabi ni Z na sinagot naman ni Samuel ng, “Thanks hon!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa tanong kung nangyari na ba kay Zanjoe ang kuwento ng “The Third Party”, “Wala pa naman.” Paano kung nalaman niya na ipinagpalit pala siya ng girlfriend sa isang babae rin na may pusong lalaki?
“Kung anuman ang ipalit, kung sinuman ang ipalit at kung tapos na kayo, wala ka ng pakialam kasi tapos na, eh,” diretsong sagot ng aktor.

Mapapanood na ang “The Third Party” sa Okt. 12 sa mga sinehan nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending