Melai nakipagbalikan kay Jason, 10 weeks nang buntis | Bandera

Melai nakipagbalikan kay Jason, 10 weeks nang buntis

|September 30,2016
facebook
share this

Melai nakipagbalikan kay Jason, 10 weeks nang buntis

- September 30, 2016 - 02:15 PM
melai jason NAGKABALIKAN na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Ito ang kinumpirma kaninang umaga ng mag-asawa sa morning show ng ABS-CBN na Magandang  Buhay. Live na live na bumisita si Jason sa programa ng asawa kung saan naging emosyonal nga ito nang magsimula nang magbigay ng mensahe para kay Melai. Nag-kiss pa nga ang dalawa habang katabi ang kanilang anak na si Mela. Ayon sa co-host nina Karla Estrada at Jolina Magdangal, “Dati kasi may low pressure area, ngayon nilabas na ang low pressure area, sunshine na siya. Sobrang mahal namin ang isa’t isang mag-asawa. “Talagang napagtagumpayan namin ang mga pagsubok na dumating dahil sa mag-asawa, ganu’n naman talaga,” sey pa ng komedyana. Una kaming nahiya kay Lord, pangalawa na yung sarili namin at sa anak namin. “Kasi dapat hindi niyo dapat gawin ito, kasi sagrado yung kasal, e. Kaya talagang pinush namin na maging okay kaming mag-asawa. Pero thank you Lord, napagtagumpayan ko,” hirit pa ni Melai. Last week, nagtungo ang TV host-comedienne sa Bohol kasama ang anak at dito nga niya na-realize kung gaano kaimportante si Jason sa kanilang mag-ina, “Nu’ng bakasyon sa Bohol, hinahanap ni Mela si Jason…papa’s girl, e.” Kamakailan ay nagpunta si Melai sa Mindoro para puntahan ang asawa, “Binigyan muna namin ng time yung isa’t isa na mag-heal yung puso namin. Kasi kung alanganin yung pag-aayos niyo, mag-aaway ulit kayo, e. “So, talagang binigyan namin ng space ang isa’t isa. After nu’n, nag-adjust kami sa sa isa’t isa. Nag-respect kami sa mga away at sa hindi at nag-accept kami sa mga pagkakamali namin. Kasi dun ko na-realize na ang lesson ko pala dito ay kapag nag-asawa ka pala, du’n mo makikilala ang asawa mo. “Pero huwag lagi na ang asawa mo lang, kasi nakilala mo din kung paano ka sa asawa mo. So, nakilala ko na may pagkukulang din, may pagkukulang kami sa isa’t isa, kaya pupunan namin ito sa aming bagong chapter sa life,” paliwanag pa ni Melai. In-announce rin ni Melai sa madlang pipol na 10 weeks na siyang buntis, “Mga kapamilya, may bago kaming blessing ni Jason, at magiging ate na si Mela. Siya ang sinasabi naming bagong kapamilya dito sa Magandang Buhay. Ten weeks akong pregnant. “Ako, sobrang saya ko talaga nung nalaman ko na buntis ako! Siyempre alam ko agad kasi hindi ako dinugo, e. Pagka-pregnancy test ko, unang nakaalam si Mela. “Tapos sinabi ko kagaad kay Jason, tapos sobrang saya niya na madadagdagan na ang aming family, kaya happy family kami,” naluluha pang chika ng komedyana. Samantala, napaluha naman si Jason habang iniinterbyu nina Karla at Jolina. Sinabi nitong mahal na mahal pa rin niya ang asawa at maligaya siya dahil binigyan pa rin ng second chance ang kanilang relasyon. Nagpasalamat din siya sa lahat ng kaibigan at fans ng Melason na nag-pray para sa kanilang mag-asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending