Social media inulan ng pakikidalamhati, pagpupugay sa namayapang Sen. Miriam Defenso-Santiago
HANGGANG sa huling pagkakataon, binulabog pa rin ng palaban na dating Senador Miriam Defensor-Santiago ang social media.
Ilang oras matapos i-anunsyo ng kanyang mister na si INterior Secretary Narciso “Jun” Santiago ang pagpanaw ng misis, hindi na tumigil ang social media sa pagbibigay ng huling pagpupugay at pasasalamat sa nagawa niya para sa bayan.
Sa top 10 trending sa Twitter (PH), limang pwesto ang kinopo ng mga hashtag na #RIPMiriam, #Sen.Miriam, #RIP Senator Miriam Santiago, #Iron Lady at #Rest In Peace Sen.Miriam.
Sa Facebook, marami ang nagbigay ng kanilang simpatya, nag-throwback ng mga larawan kasama ang senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.