Video concert ni Mikee Quintos pinagpiyestahan | Bandera

Video concert ni Mikee Quintos pinagpiyestahan

Ervin Santiago |September 28,2016
facebook
share this

Video concert ni Mikee Quintos pinagpiyestahan

Ervin Santiago - September 28, 2016 - 12:25 AM

kylie at mikee

ISANG hyper at super-talented na Mikee Quintos ang nagpakita sa netizens sa Instagram kamakailan nang mag-post ito ng isang “solo concert” video na kinakanta ang kanta ni Alicia Keys na “If I Ain’t Got You” habang nasa standby area sa set ng Encantadia.

Ayon kay Mikee, first love raw talaga niya ang singing at no doubt, may ibubuga ang boses dalaga. As of this writing, may 40,800 views na ang nasabing video ng Encantadia actress.

Samantala, patuloy na tutukan ang mga susunod na eksena sa fantaserye ng GMA 7 dahil sa mga susunod na episodes nito ay tiyak na mawiwindang ang buong universe.

At para sa lahat ng fans ni Alden, siniguro ng Pambansang Bae na ilang linggo pa siyang mapapanood sa Encantadia bilang isang Mulawin. Marami pa raw mangyayari sa karakter niyang si Lakan kaya huwag na huwag daw kayong bibitiw. May mga bagong pasabog din daw ang apat na Sang’gre na ginagampanan nina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia.

Napapanood pa rin ang Encantadia pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending