Alden: Matagal nang may banta sa buhay ko kaya nag-report na kami sa NBI | Bandera

Alden: Matagal nang may banta sa buhay ko kaya nag-report na kami sa NBI

Ervin Santiago |September 27,2016
facebook
share this

Alden: Matagal nang may banta sa buhay ko kaya nag-report na kami sa NBI

Ervin Santiago - September 27, 2016 - 04:14 PM
alden-richards KINAILANGANG doblehin ang ibinibigay na seguridad sa Pambansang Bae na si Alden Richards matapos kumpirmahin ng kanyang tatay ang tungkol sa natatanggap niyang death threats. Kamakailan ay nag-post si Mr. Richard Faulkerson ng mensahe sa kanyang social media account ng babala sa mga taong nagpapadala ng death threats sa kanyang anak, kasabay ng pagkumpirma na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang NBI tungkol dito. Kaninang umaga nakachika namin at ng ilan pang members ng entertainment media si Alden pagkatapos niyang pumirma ng bagong exclusive contract sa GMA Network, at tinanong nga namin siya tungkol sa pagbabanta sa kanyang buhay. “Yes po, nakipag-usap na kami sa NBI, since the beginning naman po before that pa I already had my own issue of life threatening situations and we asked the help of the GMA Artist Center and the NBI to do something about it. “And we’ve been taking actions with regards to that but kasi ang akin lang naman po if your threatening someone there’s a 90% probability na hindi mo siya gagawin because you are threatening. “Yung mga nagte-threat hindi nagsasabi yan ginagawa na lang nila so I should say that there are a lot of people like that especially now on social media. Napakadaling gumawa ng statements and threats like that. “Pero so far naman po we’ve been very careful with that kumbaga we just take the necessary precaution. Ingat sa labas, like sa pagpunta namin sa mga barangay kapag Eat Bulaga na. Pero yung mga threats like that are being done by people na wala sigurong magawa sa buhay nila,” pahayag ng Pambansang Bae. Samantala, pinatunayan muli ni Alden ang kanyang loyalty sa GMA matapos pumirma ng bagong exclusive contract bilang Kapuso. Hindi na binanggit pa ng mga bossing ng Siyete kung ilang taon ang pinirmahang kontrata ng binata, basta “forever” na raw ito. “For the past five years I am very loyal to GMA and the same is GMA to me. So, hindi po ako pinabayaan in terms of projects, career path, career management. Parang sobrang mutual. I can’t imagine transferring to others, sa ibang bahay. And GMA has shown me nothing but support and love so I don’t really see myself moving out of my home network,” ayon pa sa GMA Prince. Marami pang plano ang Kapuso Network para kay Alden, bukod nga sa Encantadia ay inaayos na ang bagong proyektong gagawin niya at posibleng isa na nga rito ang serye nila ni Maine Mendoza, “Actually, wala po talagang akong knowledge about that and even the management is keeping everything a secret muna for…ewan po basta sooner or later you’ll hear it from me. Pero that’s something to look forward to, that’s something very exciting po. Kumbaga in everything you do, dapat nagle-level up tayo.” Ayon naman kay GMA Senior VP for Entertainment TV Lilybeth Rasonable, “Definitely soon. Katulad ng sinabi ng Eat Bulaga, sa tamang panahon iri-reveal natin ‘yan. Malapit na, konting tiis na lang. Kapag hinintay, mas masarap.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending