Sabrina M arestado sa anti-drug operation; 1 pang dating sexy star iniimbestigahan na | Bandera

Sabrina M arestado sa anti-drug operation; 1 pang dating sexy star iniimbestigahan na

Reggee Bonoan |September 27,2016
facebook
share this

Sabrina M arestado sa anti-drug operation; 1 pang dating sexy star iniimbestigahan na

Reggee Bonoan - September 27, 2016 - 12:25 AM

sabrina m

ARESTADO kahapon ng tanghali ang dating sexy star na si Sabrina M (Karen Pallasigue sa tunay na buhay) sa isinagawang anti-illegal operations ng Quezon City Police District.

As of this writing ay wala pang kumpletong detalye kung paano nahuli ang dating sexy star pero base sa report ng ABS-CBN News ay nakunan na ng mug shot sa presinto si Sabrina M.

Kuwento naman ng ilang taong nakakakilala sa dating sexy star ay matagal na raw gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si Sabrina simula nu’ng hindi na siya masyadong aktibo sa showbiz.

User lang daw ang aktres, iyan ang pagkakaalam ng ilang nakausap namin at willing naman daw magpa-rehab ang sexy star at plano na raw talaga nitong sumuko.

Samantala, isa pang dating sexy star na sangkot din daw sa ilegal na droga ang minamanmanan ngayon ng mga pulis.

“Tahimik siya (dating sexy star) ngayon, siguro nag lie-low, pero kasali raw siya sa celebrity drug list na nasa kamay ni President (Rodrigo Duterte),” sabi ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending