Mabubuntis na ba ang GF? | Bandera

Mabubuntis na ba ang GF?

Joseph Greenfield |September 26,2016
facebook
share this

Mabubuntis na ba ang GF?

Joseph Greenfield - September 26, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Willy ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City
Dear Sir Greenfield,
May girlfriend ako sa ngayon at magti-3 years na ang relasyon namin. Sa edad kong 32 na sa darating na October 19, ay gusto ko na sanang mag-asawa. Ang kaso simula ng naging kami ng girlfriend ko na 28 years old ang edad kahit madalas kaming nagtatalik, nagtataka kami kung bakit hindi naman siya nabu-buntis? Ang balak kasi namin kapag na-buntis na siya ay magpapakasal na kami, pero hanggang ngayon laging negative ang resulta. Sa inyong hula kailan kaya siya mabubuntis? At compatible ba kami at kami na ba talaga ang magkakatuluyan at magsasama habang buhay? February 11, 1988 naman ang birthday ng girlfriend ko.
Umaasa,
Willy Gen San City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na mabuntis mo man o hindi ang girlfriend mo sa kasalukuyan, walang duda, kayo pa rin ang magkakatuluyan at nakatakdang magsasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habambuhay na pamilya.
Cartomancy:
Six of Hearts, Eight of Hearts at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing walang hadlang sa in-yong pagmamahalan at mula sa taong ito ng 2016 hanggang 2018, walang duda, mabubuntis ang iyong girlfriend hanggang sa mapagpasyahan nyo ng magpakasal at magsama habambuhay.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending