Kalat na: Bong Revilla malapit na raw lumaya | Bandera

Kalat na: Bong Revilla malapit na raw lumaya

Reggee Bonoan |September 26,2016
facebook
share this

Kalat na: Bong Revilla malapit na raw lumaya

Reggee Bonoan - September 26, 2016 - 12:35 AM

bong revilla

KAARAWAN ni Sen. Bong Revilla, Jr. kahapon at balita namin ay buong araw na pwede siyang dalawin ng mga kaibigan na gustong bumati.

Kuwento ng aming source, nakilala na raw ng pamilya Revilla kung sinu-sino ang mga taong nasa tabi nila lalo na kay Sen. Bong sa panahong nakulong siya at kung sino lang ‘yung nasa tabi niya ng nasa puwesto siya.

Dagdag pa, “May ilang personalidad na simula nu’ng nakulong siya, hindi siya dinalaw o kinumusta man lang samantalang nakasama niya ang mga yun noong panahong kaliwa’t kanan ang paggawa niya ng pelikula.

“Well, baka kasi magkaiba ng paniniwala nila pagdating sa politika, pero di ba, sa friendship wala naman dapat halong pulitika?” sabi pa sa amin.

Banggit namin sa aming kausap baka kasi hindi makadalaw ‘yung iba dahil sa sobrang higpit sa Camp Crame. “Puwede naman, hihingi lang ng permiso at siyempre proper process,” katwiran sa amin.

Samantala, may nagbulong din sa amin na posibleng makalaya na si Sen. Bong, hindi lang sigurado kung mangyayari ito bago matapos ang taon o early next year na.

Again, happy birthday Sen. Bong Revilla!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending