Bea, Gerald nagbalikan na, pero walang label ang relasyon Kalat na: Bong Revilla malapit na raw lumaya | Bandera

Bea, Gerald nagbalikan na, pero walang label ang relasyon Kalat na: Bong Revilla malapit na raw lumaya

Reggee Bonoan |September 26,2016
facebook
share this

Bea, Gerald nagbalikan na, pero walang label ang relasyon Kalat na: Bong Revilla malapit na raw lumaya

Reggee Bonoan - September 26, 2016 - 12:05 AM

 

bea alonzo at gerald anderson

“SILA na! Walang label, pero nagkabalikan na!” Ito ang kuwento ng aming source tungkol kina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Agree kami dahil hindi lang isa o dalawa ang nagsabi sa amin na palaging sweet na sweet ang dalawa kapag magkasama at ibang-iba na rin ang tinginan at kilos nila sa isa’t isa.

Tungkol sa label, mukhang hindi na nga uso ito ngayon, basta’t nagkasundo kayo, ini-enjoy ang company ng bawa’t isa, e, at maligaya kapag magkasama, kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sabagay hindi naman itinatanggi nina Gerald at Bea na nagde-date uli sila pero ayaw nilang sabihing “exclusively da-ting” dahil anila, “Ini-enjoy lang namin ang mga panahong hindi namin nagawa before.”

Sa isang event kung saan kasama si Bea at iba pang personalidad ay natanong siya tungkol kay Gerald. Aniya, “We go out. Wala namang masama. Parang wala naman kaming nasasaktan. Parang ang pangit mag-share ng mga personal, and babae ako.”

As of now ay nananatili pa ring tikom ang bibig ni Gerald tungkol sa pahayag ni Bea na pangit mag-share ng mga personal na bagay ang babae.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending