Andi ayaw magpa-interview tungkol kina Jake at Albie, tinakasan ang press? | Bandera

Andi ayaw magpa-interview tungkol kina Jake at Albie, tinakasan ang press?

Ervin Santiago |September 26,2016
facebook
share this

Andi ayaw magpa-interview tungkol kina Jake at Albie, tinakasan ang press?

Ervin Santiago - September 26, 2016 - 12:01 AM

andi-jake-albie

TINAKASAN daw ni Andi Eigenmann ang entertainment press na dumalo sa isang event last weekend.

Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang ginawang pasabog ng half-sister niyang si Max Eigenmann tungkol sa tunay na ama ng kanyang anak na si Ellie. Si Jake Ejercito at hindi nga si Albie Casino ang real father ng bagets.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement sina Andi at Jake about the issue. Magkaaway pa rin daw ang dalawa matapos magpalitan ng maaanghang na salita sa social media dahil sa isyu ng gamitan.

Nitong weekend, umapir si Andi sa isang event kasama ang iba pang celebrities. Inasahan ng press na naroon na magpapainterbyu ang aktres tungkol sa bagong kontrobersyang kinasasangkutan niya.

Pero nang puntahan ng ilang reporter ang Kapamilya star ay wala na ito sa holding area ng mga artista at nakaalis na raw sabi ng mga gwardiya. Feeling ng ilang naroon talagang iniwasan ni Andi ang media.

Samantala, may mga netizen naman ang nagsabi na hindi lang si Andi ang dapat mag-sorry kay Albie Casino ngayong lumabas na ang katotohanan tungkol sa tunay na tatay ni Ellie.

Kung matatandaan daw kasi, kung anu-anong masasalit na salita rin ang ipinakain ni Jaclyn sa hunk actor noong kasagsagan ng pagbubuntis ni Andi.

Sey ng isang fan ni Albie, “Now is the perfect time para humingi ng sorry ang mag-ina kay Albie. Malaki ang nagawa nilang kasalanan du’n sa tao. Walang mawawala sa kanila kung magpapakumbaba man sila.”

May nagtanggol naman kay Jaclyn na nagsabing, “Nanay lang si Ms. Jaclyn at anak niya ang nadisgrasya. Natural lang na mag-react siya ng ganu’n. Siguro pinaniwala talaga siya ng anak niya na si Albie ang tatay. Hindi siya makakapagsalita ng ganu’n kung hindi ipinagpilitan ni Andi na si Albie ang ama ng baby niya.”

Samantala, nag-post naman ang nanay ni Albie na si Rina Casino sa kanyang social media account ng ilang Bible verses tungkol sa usa-ping “katotohanan”. Anito, “All these years we surrendered & completely placed our full trust & confidence to Jesus our Lord & Savior for we know in due time in His perfect time everything will be revealed. Thank you to all those who prayed for us with us.#thankyouJesus #godisfaithful #godisgood all the time #albiecasiño!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending