P7.1M jackpot nakuha sa Kalinga | Bandera

P7.1M jackpot nakuha sa Kalinga

Leifbilly Begas |September 25,2016
facebook
share this

P7.1M jackpot nakuha sa Kalinga

Leifbilly Begas - September 25, 2016 - 03:45 PM
lotto for site Tumaya sa Kalinga ang nanalo ng P7.1 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola Sabado ng gabi.      Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Alexander Balutan ang nanalo ay tumaya ng standard pick (siya ang namili ng numero) sa Tabuk City.      Isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 16-5-27-7-1-25.      Nanalo naman ng tig-P9,090 ang 69 mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas.      Tig-P240 naman ang 2,033 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 25,041 mananaya na nakatatlong numero.      Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending