Kathryn kinawawa, binastos ng ilang Aldub Fans matapos makipag-usap kay Alden | Bandera

Kathryn kinawawa, binastos ng ilang Aldub Fans matapos makipag-usap kay Alden

Cristy Fermin |September 25,2016
facebook
share this

Kathryn kinawawa, binastos ng ilang Aldub Fans matapos makipag-usap kay Alden

Cristy Fermin - September 25, 2016 - 01:15 AM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

SIGURADONG pinatikim na naman nang maaanghang na komento ng ibang AlDub fans si Kathryn Bernardo sa paglabas ng totoong bersiyon ng balita na si Alden Richards ang humanap sa young actress nang minsang magkasama sila sa party ng isang kumpanyang may-ari ng notebook na sila ang tagapag-endorso.

Paglabas ng retratong magkatabi sila na malaki naman ang kanilang pagitan ay binulabog na ng ibang mga tagasuporta ng AlDub si Kathryn. Nakakaawa naman ang batang aktres na nananahimik sa kanyang kinauupuan.

Kung anu-ano nang masasakit na salita ang ipinakain sa kanya ng mga fanchitang palaaway at hindi nagdadalawang-isip, tinawag agad siyang malandi, mang-aagaw at kung anu-ano pang negatibong paglalarawan.

Sa halip na ganu’nin si Kathryn ay dapat pa nga silang matuwa dahil napakamaginoo ng kanilang idolong si Alden. Gumawa ng effort ang Pambansang Bae para makapagbigay-pugay sa kanyang kapwa modelo ng produktong ineendorso nila.

Tama lang ang naging desisyon ni Alden na puntahan ang dalaga, ganu’n ang marespetong lalaki, dapat lang na huwag makinig ang guwapong aktor sa idinidikta ng ibang mga tagahanga nila ni Menggay. Ano ito, lokohan, kailangang ang ka-loveteam lang niyang nganga nang nganga ang kanyang lalapitan?

Kahit sino na lang na lumapit kay Alden ay malandi na agad-agad, hindi ba puwedeng nagpapakamaginoo lang naman si Alden, kaya nakikipag-selfie siya sa mga kapwa niya artista?

Hay, naku! Ang ulo ay ginagamit, hindi lang ‘yun gapangan ng mga kuto!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending