Lea inokray ang pagiging hurado ni Aga | Bandera

Lea inokray ang pagiging hurado ni Aga

Ambet Nabus |September 15,2016
facebook
share this

Lea inokray ang pagiging hurado ni Aga

Ambet Nabus - September 15, 2016 - 12:05 AM

lea salonga at aga muhlach
IBANG klase talaga ang style ni Lea Salonga sa pang-ookray.

Sa isang post ng international singer sa kanyang social media account ay parang pinagtawanan at kinuwestiyon nito ang kakayahan at abilidad ni Aga Muhlach bilang isa sa mga judges ng Pinoy Boy Band Superstar.

Ayaw na naming banggitin ang mga sinabi ni Lea dahil mukha namang may hugot ang kanyang komento. Ha-hahaha! Pero for sure may naitatago ring galing sa pagiging hurado si Aga pagdating sa paghahanap ng magagaling at makarismang male singer.

Ibang klase lang talaga minsan si Lea kapag gusto niyang magpakatotoo. Idadaan lang muna niya ito sa biro o kantiyaw.

Pero sa pagkakahuli sa half-brother niya recently dahil sa droga, ay saludo kami sa kanyang naging posisyon. Maliwanag ang pagkakasabi ni Lea na hindi niya ito kukunsintihin o kakampihan.

Never ding dinenay ni Lea na iisa nga ang tatay nila, pero ipinagdiinan na magkaiba ang nanay nila. Pansin n’yo ba? Ang lalim ng hugot du’n ni Lea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending