Coco, Julia hiwalay na; nagsimula ang away sa simpleng tampuhan | Bandera

Coco, Julia hiwalay na; nagsimula ang away sa simpleng tampuhan

Reggee Bonoan - September 15, 2016 - 12:01 AM

julia montes at coco martin

TRULILI kayang hiwalay na sina Coco Martin at Julia Montes? Pero teka, umamin na ba sila sa kanilang relasyon in the first place?

May tsika kaming narinig na break na ang bida ng primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano at lead star ng afternoon drama na Doble Kara dahil sa isang simpleng hindi pagkakaintindihan.

Nagsimula lang daw ito sa simpleng tampuhan na tumagal nang tumagal dahil hindi sila nagkakatawagan o nagkakausap.

Okay naman daw ang dalawa, pero napagdesisyunan nilang unahin muna ang kanilang career at saka sila muling mag-uusap. Dagdag ng aming source, “Career muna dapat ang priority.”

Hala, kung totoo ito, sayang naman dahil bagay na bagay sila at sayang ang investment nila para sa isa’t isa bilang special friends.

Anyway, ang tindi ng bawa’t episode ng Ang Probinsyano ni Coco dahil sumasabay talaga ito sa mga nangyayaring krimen sa bansa tulad ng pagkakaroon ng shabu laboratory ng mag-amang Tomas (Albert Martinez) at Joaquin (Arjo Atayde).

Tapos heto’t pinatay nang sadya ni Joaquin ang nanay ni Albie Casino na si Isabel Lopez dahil may alam na ito sa gawain ng opisyal.

E, di ba, ganito rin ang nangyayari ngayon sa bansa kung saan pinapatay ang mga pusher para hindi na raw makapagturo pa ng kanilang mga kasamahan at protektor?

Samantala, hindi rin nagpapatalo sa mga intense episode ang Doble Kara, nakita nga namin ang eksenang nagmamakaawa si Sarah kay Kara (Julia) dahil nalaman na ng huli at asawa niyang si Sebastian (Sam Milby) na anak nila si Becca.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending