Echo, Arci nag-init sa halikan at love scene sa Caramoan Island | Bandera

Echo, Arci nag-init sa halikan at love scene sa Caramoan Island

Reggee Bonoan - September 14, 2016 - 12:10 AM

arci munoz at jericho rosales

WALANG dinaanang sensual workshop sina Jericho Rosales at Arci Muñoz para sa kanilang love scenes na kinunan sa Caramoan Island, Camarines Sur.

Ayon kay Echo sa presscon ng bago nilang seryeng Magpahanggang Wakas mula sa RSB Unit ng ABS-CBN, grabe ang mga maiinit na eksena nila ni Arci sa isla ng Caramoan.

“Wala! Wala na, pero nagkakatawanan lang kami. Naiilang kami ng konti kasi first time naming mag-meet di ba, tapos diretso agad kami ng Caramoan, siyempre pini-feel pa namin ang isa’t isa. Medyo awkward nu’ng umpisa, pero nairaos na rin namin.

“Nag-bond kaming dalawa sa Caramoan. Kuwentuhan kaming dalawa, nagbabad kami sa lobby ng hotel, nagkuwentuhan ganyan, that’s the best (thing) that we could do.

Sabi naman ni Arci, “Hindi naman po, I’m very comfortable with Echo and maganda ‘yung eksena, eh. Walang ganu’n. Saka propesyonal naman ‘to (sabay tingin kay Echo).”

Hindi ba nag-init ang kanilang mga katawan lalo’t dalawa lang sila sa mapanuksong isla ng Caramoan, “Of course, when you’re doing scenes, you feel the love, you feel the excitement, kasi siyempre nagpi-play kami ng character (in love) kaya hindi mo dapat pigilan ‘yung sarili mo. Kapag nasa scene ka na, ‘yun na ‘yun, di ba?

“Of course working with her (Arci), you know parang gave us the opportunity to be friends kaya ini-enjoy namin ‘yung beach na pareho kaming mahilig sa beach, mahilig din siya sa mga kung anu-anong mga bagay,” kuwento ng aktor.

Alam ba ni Mrs. Kim Jones-Rosales ang mga eksenang ginawa nina Echo at Arci? “Si Kim would be…papagalitan ako no’n kapag half-baked ako sa trabaho. Saka we’re both (Arci) in a relationship, I know her boyfriend (Badi del Rosario), magkakilala kami,” sagot ni Echo.

Si Arci rin ba ay nagpaalam sa kanyang boyfriend na balitang may pagkaseloso, “With my work naman, hindi naman niya ako pinapakialaman, alam naman niya na trabaho lang talaga.

“And si Echo naman ay kilala niya, hindi naman siya seloso, okay naman, kilala niya (Echo). Siya nga ang una kong sinabihan nu’ng malaman kong makakatrabaho ko si Echo, sabi niya, ‘Oh, that’s good. Say hi give my regards (kay Echo).’ Hindi siya (Badi) seloso, very supportive siya,” pahayag naman ng dalaga.

Samantala, tinanong namin si Arci kung napipikon siya kapag pinaglalaruan siya sa set ng Magpahanggang Wakas lalo’t tinutukso siyang boses Sto. Niño ng leading man niya, “Hindi, ginu-goodtime ko rin sila,” sabay tingin ng dalaga sa aktor.

Sabi pa ng dalaga, “He made me feel really comfortable in every scene kasi pressured ako na makatrabaho sila. Ginagabayan niya ako, sinasabi niya, ‘Uy ang galing-galing niya, minsan nai-intimidate ako, pero hindi niya pinaramdam sa akin ‘yun'”.

Anyway, mapapanood na ang Magpahanggang Wakas sa Set. 19 pagkatapos ng Til I Met You. Kasama rin dito sina John Estrada, Liza Lorena, Rita Avila, Danita Paner, Lito Pimentel, Marco Gumabao, Maika Rivera, Justin Cuyugan, Jomari Angeles at Gelli de Belen.

Marami rin tiyak ang mag-aabang sa mga magiging eksena nina John Estrada at Gelli de Belen dahil nga sa naging isyu noon sa aktor at sa kapatid ni Gelli na si Janice de Belen. Ang alam kasi ng lahat, hanggang ngayon ay may isyu pa rin ang dating mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero ayon nga kay John, wala siyang isyu kay Gelli kaya tinanggap niya ang proyekto, bilib na bilib din siya sa kapatid ni Janice dahil hanggang ngayon at magaling pa rin itong aktres.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending