Singer-actress biktima ng mga malisyosong balita, inakusahang maldita, paistar | Bandera

Singer-actress biktima ng mga malisyosong balita, inakusahang maldita, paistar

Cristy Fermin |August 29,2016
facebook
share this

Singer-actress biktima ng mga malisyosong balita, inakusahang maldita, paistar

Cristy Fermin - August 29, 2016 - 12:25 AM

BLIND ITEM  FEMALE 0318

PAGTATANGGOL ng aming source ay hindi raw naman maldita ang isang young singer-actress, mainipin lang siya, saka ayaw raw kasing nasasayang ng young female personality ang kanyang panahon.

Matindi kuno ang disiplina sa oras ng girl, on time siyang dumarating at hindi in time sa kanyang mga kompromiso, kaya naiinis siya kapag walang pakialam sa oras ang kanyang mga katrabaho.

Pero hindi raw maldita ang young singer-actress, propesyonal lang siya, kaya ayaw na ayaw niyang nakakatrabaho ang mga artistang walang pagpapahalaga sa oras ng kanilang kapwa.

Kuwento ng aming source, “Di ba, lumabas nu’n ang kuwentong nag-inarte siya sa isang mall show? Ipinilit daw ni ____ (pangalan ng kilalang young singer-actress) na siya ang mauna, samantalang kararating lang niya?

“Naku, maling-mali ang kuwentong ‘yun! Siya ang pinakamaagang dumating sa mall show, pero hindi lang siya agad bumaba sa van, para maiwasan ang pagkakagulo ng mga fans niya.

“Kaya niya ipinilit na mauna siya, e, dahil meron pa siyang susunod na commitment. Isiningit lang talaga niya ang mall tour, pero may mas nauna na siyang commitment.

“Disiplinado kasi siya sa oras, very professional siya, hindi bale nang siya ang maghintay basta huwag lang siya ang hintayin,” kuwento ng aming source.

Pero marami ngang hindi nakakasakay sa ugali ng young singer-actress, akala ng mga katrabaho niya ay nagmamaldita at nagmamaangas siya, pero hindi raw talaga ganu’n ang female personality.

“Mabait siya, saka wala sa kanya ang popularity niya ngayon. Napakasimple ng batang ‘yun, hindi siya mareklamo, kaya nga gustung-gusto siya ng mga executives ng network nila.

“Nakakarating kasi sa kanila ang report ng mga production people nila, maraming nababaitan sa girl, kaya hindi siya nawawalan ng project sa station nila.

“Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo kung sino siya. May J na sa name niya, May J pa rin sa apelyido niya,” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending