Ai Ai humiling ng bongang kasal sa dyowa: Kaya nag-iipon na siya ngayon | Bandera

Ai Ai humiling ng bongang kasal sa dyowa: Kaya nag-iipon na siya ngayon

Ervin Santiago |August 29,2016
facebook
share this

Ai Ai humiling ng bongang kasal sa dyowa: Kaya nag-iipon na siya ngayon

Ervin Santiago - August 29, 2016 - 12:20 AM

 

aiai delas alas

PABOR din ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa ginagawang anti-drug campaign ni Pangulong Duterte.

“In fairness talaga, nagagalingan ako sa kanya dahil ’yung mga pangako niya, tinutupad naman niya, eh. At saka, ’yun naman ang gusto niya, ’di ba? Linisin ang droga at linisin ang Pilipinas, gumanda ang Pilipinas, maging maayos tayong lahat. Tinutupad naman niya.

“’Yun nga lang, sa ordinansa niya may mga nasasagasaan talaga. Pero ’yun ang way niya, eh. Pero ako, okay sa akin ’yung ginagawa niya,” pahayag ni Ai Ai sa nakaraang presscon ng GMA para sa first anniversary ng Sunday PinaSaya.

Nabanggit din ni Ai Ai na may pinanggagalingan din ang galit niya sa mga tulak ng droga dahil sa nangyari sa anak-anakan niyang si Jiro Manio. “So, siguro, naiintindihan ninyo kung bakit ako pabor (sa all-out war laban sa droga) kasi alam ko kung ano ang resulta ng mga taong nalulong sa droga,” paliwanag ng komedyana.

Natanong din si Ai Ai sa presscon ng Sunday PinaSaya tungkol sa kanyang lovelife, may plano na rin ba silang magpakasal ni Gerald Sibayan? “Hindi pa, matagal pa. Kasi mag-iipon pa siya, eh. ’Yon ’yung gusto niya,” sey ni Ai Ai. Maprinsipyo raw ang dyowa niya kaya ito raw ang gagastos sa kasal nila.

Bonggang kasal daw kasi ang gusto ng komedyana, “Oo, talaga! Nanghihingi talaga ako (ng engrandeng wedding).” Aniya pa, kung magpo-propose na nga si Gerald sa kanya gusto niyang idaos ang kasal sa simbahang ipinatatayo niya sa may Commonwealth, Q.C..

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending