Warning ng mga Netizen kay Maja: Wag magpabiktima kay John Lloyd | Bandera

Warning ng mga Netizen kay Maja: Wag magpabiktima kay John Lloyd

Jun Nardo |August 26,2016
facebook
share this

Warning ng mga Netizen kay Maja: Wag magpabiktima kay John Lloyd

Jun Nardo - August 26, 2016 - 12:42 AM

maja salvador

PALAISIPAN sa followers ni Maja Salvador ang hashtags #GoodbyeItaly #HelloLloydy na ginamit niya sa litratong ipinost niya sa Instagram kasama si John Lloyd Cruz. Kuha ang nasabing photo nang magpunta ang dalawa sa Davao, na may caption na: “Nakaka Hollywood #Pagbigyan #MSescapades.”

May mga aprubado at meron ding nagkomento sa mga followers ni Maja na ayaw nila kay John Lloyd para kay Maja. Ayon sa isang netizen, magkasama ang dalawa dahil sa show nila sa Davao at iisa ang handler nila kaya may magkasama silang picture.

May isang netizen naman ang nagkomento na collector ng “ex” ng mga aktor sa ABS-CBN si Lloydie kaya wish nila eh huwag mapasama sa listahan si Maja. Parehong loveless, so may posibilidad na magkahulugan ng loob sina Maja at John Lloyd, huh! Matatanda na naman sila at alam na nila kung ano ang tama at mali!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending