Bagong pelikula ni PJ sa Regal kukunan sa New Zealand | Bandera

Bagong pelikula ni PJ sa Regal kukunan sa New Zealand

Jun Nardo |August 02,2016
facebook
share this

Bagong pelikula ni PJ sa Regal kukunan sa New Zealand

Jun Nardo - August 02, 2016 - 12:20 AM

yen santos at piolo pascual

PAANO tinanggap ni Iñigo ‘yung malilisyosong komento? “Si Iñigo, matapang na bata ‘yon. Laking Amerika ‘yon. Sumasagot din siya but I always tell him na be careful. Ngayon lang siyempre na baka may masabi tayo, na makasakit tayo. Hayaan mo na lang na sila ang makasakit. Batuhin mo na lang ng tinapay. Mang-aasar pa ‘yon. Haters will be haters.

“Okay naman ‘yon. Nasa tamang pag-iisip ‘yung bata kaya hindi siya naaapektuhan. Kumbaga, bata pa lang siya, sanay na siya roon dahil sa akin! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Piolo.

Matapos birahin ng intriga, lalayo muna ng bansa si Piolo upang gawin ang “Once In A Lifetime” movie ng Regal Films with Yen Santos. Bale ito ang comeback film niya sa movie outfit ni Mother Lily Monteverde after 14 years. Una at huli niyang ginawa ang “I Think I’m In Love” kapareha si Joyce Jimenez.

Sa New Zealand ang setting ng movie at si Dondon Santos ang director. Sa pagbabalik ni Piolo sa Regal, “It’s a miracle. Talagang pinagdasal kong makapagtrabaho uli si Piolo sa Regal. I love him. Hindi lang siya guwapo. Mabait pa siyang tao,” pahayag ni Mother Lily.

Pahinga rin muna kasi sa paggawa ng serye si Piolo dahil movies ang gusto niyang bigyan ng konsentrasyon. Pero tatapusin niya ang nasimulang Written In The Stars after makapanganak si Toni Gonzaga.

“Ibigay na lang nila sa mga bata ang paggawa ng series! Ha! Ha! Ha!” katwiran ni Piolo na umaasang masusundan pa ng iba pang projects ang paggawa niya uli ng movie sa Regal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending