Billy, Coleen swerte sa lovelife at career | Bandera

Billy, Coleen swerte sa lovelife at career

Ambet Nabus |July 29,2016
facebook
share this

Billy, Coleen swerte sa lovelife at career

Ambet Nabus - July 29, 2016 - 12:35 AM

BILLY CRAWFORD AT COLEEN GARCIA

BILLY CRAWFORD AT COLEEN GARCIA

NAG-CELEBRATE pala ng kanilang anniversary sina Coleen Garcia at Billy Crawford recently at balitang nakasama rin nila ang ilang kapamilya at kaibigan.

Halos kalalabas lang daw ng ospital nang makulit na TV host-actor nang mag-date sila ni Coleen. Na-confine si Billy sa ospital at araw-araw naman siyang inalagaan ng kanyang GF.

Kapwa very active sa kanilang respective career ang dalawa at mukhang masuwerte naman sila dahil going strong pa rin ang kanilang relasyon at tanggap na sila ng kani-kanilang pamilya.

Ito ang dahilan kung bakit absent sa presscon ng pelikulang “That Thing Called Tanga Na” si Billy na sobrang nakakatawa bilang isang gay security guard sa movie na idinirek ni Joel Lamangan under Regal Films.

Si Coleen naman ay nagsisimula na sa shooting ng “Extra Service” movie niya with Jessy Mendiola and Ellen Adarna. Ayon sa aming spy, talaga raw magpapatalbugan ang tatlo sa paseksihan though para sa amin, si Coleen talaga ang mas malapit sa trono bilang bagong sex goddess ng showbiz.

Sa huling Maalaala Mo Kaya episode na napanood namin kung saan bumida si Coleen (with former couple Joey Marquez and Alma Moreno), winner sa amin ang kanyang akting. No wonder, extra proud si Billy ngayon sa kanyang GF dahil bukod nga sa love na love niya ang dalaga ay balitang seseryosohin na nito bilang future Mrs. Crawford.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending