Makapag-aabroad ba? | Bandera

Makapag-aabroad ba?

Joseph Greenfield |July 28,2016
facebook
share this

Makapag-aabroad ba?

Joseph Greenfield - July 28, 2016 - 02:27 PM

Sulat mula kay Benjoe  ng Baroc-baroc, Belison,  Antique
Dear Sir Greenfield,
Kamakailan lang po ay tinawagan na ako ng agency na inaaplayan ko patungong abroad at hinihingan na po nila ako ng pang-processing fee at iba pang gastusin para sa pag-aayos ng iba pang mga papeles. Maliit na halaga lang naman ang hinihingi nila, ang problema wala naman akong ganoong kalaking pera sa kasalukuyan. Ang nais ko sanang itanong sa inyo ay kung sakali kayang mangutang ako tiyak kayang makakaalis ako upang sa ganon ay hindi naman ako mabaon sa utang kung sakaling mapurnada ang aking pag-aabroad? May Travel Line po ba talaga sa aking palad at may pag-asa kayang magkaroon ako ng isang masagana at maunlad na karanasan sa ibang bansa? At kung makakapag-abroad kailan kaya ito mangyayari? August 19, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Benjoe ng Antique
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kitang-kita ang malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na maibigay mo man o hindi ang hinihinging salapi sa iyo ng agency na pinag-aaplayan mo, bilang processing fee, tiyak ang magaganap hindi matatapos ang taong ito ng 2016, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Ang pag-aanalisang makapag-aabroad ka sa taon ding ito ng 2016 ay madali namang tiniyak ng barahang Five of Diamonds, Six of Diamonds at Ace of Diamonds, na nagsasabing sa sandaling nakapag-abroad ka, sa aspetong pang-pinansyal at pananalapi, tuloy-tuloy ka ng uunlad at aasenso.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending