Luis biglang nag level-up ang pagganti sa mga bashers para ipagtanggol si Jessy | Bandera

Luis biglang nag level-up ang pagganti sa mga bashers para ipagtanggol si Jessy

Ambet Nabus |July 23,2016
facebook
share this

Luis biglang nag level-up ang pagganti sa mga bashers para ipagtanggol si Jessy

Ambet Nabus - July 23, 2016 - 12:20 AM

jessy mendiola at luis manzano

GAYA ni Cesar Montano, marami na rin ang nakakapuna sa umano’y pagiging “bastos” na rin ng ampon naming si Luis Manzano.

Aminado naman siyang binabastos din niya ang mga bashers sa social media na kung makapanlait eh wagas, lalo na kapag ang involved ay ang “special friend” niyang si Jessy Mendiola.

Mahirap talagang kalabanin ang usapin sa puso. Walang silbi ang mga masteral or doctoral degrees, ang mga values na itinuro ng ating mga magulang at minsan kahit maging ang pananalig sa Diyos, kung pag-ibig na ang pinag-uusapan.

But at the end of the day, kilala namin ang pagiging mapanuri ni Luis sa kahit anong bagay. Na ang lahat ay may hangganan kahit na ang pinaniniwalaan niyang pagganti sa kanyang mga basher sa social media sa pamamagitan ng sinasabi niyang “sense of humor”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending