Kris tinawag na sawsawera ng mga netizens…mahilig ‘dumikit’ sa sikat
KRIS Aquino caught the collective ire of fans when she posted on her Instagram a photo in which she said na pinanood niya ang movie nina Alden Richards at Maine Mendoza kasama ang kanyang mga anak na sina Bimby at Josh.
Marami ang naloka dahil hindi niya pinanood ang “Dukot” na movie ng inaanak niya sa kasal na si Paul Soriano at pinagbibidahan ni Enrique Gil. “Dukot is R-13, hindi ko masasama si Bimby. But I do want to watch,” say ni Kris when someone said, “You might want to consider watching Dukot by direk Paul.
“Inaanak pa naman niya sa kasal sila direk Paul at Toni Gonzaga. Nagulat din ako na nag post sya na watch Filipino movies (maganda nman ung purpose nya but still…),” comment ng isang guy.
Sa post ni Kris about Maine and Alden’s movie ay tinira din siya, “Nakisawsaw ka na nman kc sikat ang Aldub. Kailangan pa bang sabihin na crush na ng household nya c Alden? Manggagamit ka talaga para lng taasan ang TF mo ng ABS. Ang arte mo!!!”
“Ganyan nmn si Kris, gusto lagi madikit ang pangalan sa mga sikat…kahit nung araw ganyan na siya, gamiterah.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.