Arellano Chiefs giniba ang San Sebastian Stags | Bandera

Arellano Chiefs giniba ang San Sebastian Stags

Angelito Oredo |July 02,2016
facebook
share this

Arellano Chiefs giniba ang San Sebastian Stags

Angelito Oredo - July 02, 2016 - 01:00 AM

MAY dahilan kung bakit na tinawag si Jio Jalalon bilang “The Bus Driver.”

Ipinamalas ito mismo ni Jalalon sa pagsasagawa ng all-around performance upang giyahan ang Arellano University Chiefs sa 99-81 panalo kontra San Sebastian College Stags upang makisalo sa tatlong koponang liderato kasama ang San Beda College Red Lions at Mapua Cardinals sa 92nd NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Halos nagtala si Jalalon ng mahirap na triple-double bago tumapos na may 31 puntos, 11 assists at career-high na walong steals kung saan inuwi ng Chiefs ang ikalawang sunod na panalo matapos na unang biguin ang University of Perpetual Help Altas, 83-78, noong Linggo.

“He’s the leader of this team,” sabi ni Arellano coach Jerry Codiñera ukol kay Jalalon, na nagtala ng 25 puntos at siyam na rebounds sa laro kontra Perpetual Help.

Una nito ay masayang nagpahinga sa kanilang bus si Jalalon at mga kasamahan patungo sa lugar ng laro.

“Maybe it was our bus ride going here because we did something with ABS-CBN and we had fun and we felt relaxed going into this game,” sabi ni Jalalon.

Kung si Jalalon ang driver, ang kapareha nito sa backcourt naman na si Kent Salado ang naging konduktor matapos na kumulekta ng 17 puntos, anim na assists at limang rebounds.

“We score quickly if Jio is on the court, he makes everything easy for us,” sabi ni Salado.

Tumulong din ang Amerikano na si Dioncee Holts mula sa bench sa ikalawang sunod na laro sa pagkolekta nito ng solidong laro na may 16 puntos habang ang rookie na si Lervin Flores ay itinala ang kanyang unang double-double sa kanyang NCAA career na may 10 puntos at 13 boards matapos na tumapos na may walong puntos at 13 rebounds sa kanyang unang paglalaro.

Nagtala naman ang Stags ng masaklap na league-low 37 turnovers matapos na mapuwersa ng matinding depensa ng Chiefs na dinagdagan ng pressure defense na nagresulta sa 15 steals na nagbigay ng 43 puntos sa Arellano.

“That’s our plan. To harrass their guards and try to score easy points,” sabi ni Codiñera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nahulog ang Stags sa 1-1 panalo-talong karta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending