Tambalang Megan Young-Mark Herras may magic | Bandera

Tambalang Megan Young-Mark Herras may magic

Ervin Santiago |July 02,2016
facebook
share this

Tambalang Megan Young-Mark Herras may magic

Ervin Santiago - July 02, 2016 - 12:30 AM

megan young at mark herras

NGAYONG Linggo naman, mas makikilala pa ng mga manonood ang macho at guwapong bida ng bagong comedy series ng GMA na Conan My Beautician.

Pinakasikat na barbero sa Hacienda La Chaka si Conan na binibigyang-buhay ni Mark Herras. Namana niya ang pagiging simpatiko at galing sa paggupit mula sa kanyang ama na si Conrado (Jay Manalo). Ngunit magbabago ang buhay ni Conan at ng kanyang pamilya nang iwan sila nito para sa ibang babae. Kasabay ng paglisan ng ama, tinalikuran na rin ni Conan ang barberya.

Pipikutin naman si Conan ni Chika La Chaka (Cacai Bautista), ang mayaman ngunit magaspang ang ugaling tagapapagmana ng hacienda na patay na patay kay Conan simula noong sila’y mga bata pa.

Sa pagtakas nina Conan at ng kanyang pamilya kay Chika, mapapadpad sila sa Maynila. Dito na magsisimula ang bagong pakikipagsapalaran ni Conan. Sa bagong mundo ring ito makikilala niya si Ava (Megan Young), ang model ng Ava Cosmetics at ang magpapaibig kay Conan. In fairness, maganda rin daw ang chamistry nina Mark at Megan kaya tiyak na ikatutuwa ito ng viewers.

Huwag palampasin ang nakakatuwa, nakakaloka ngunit nakaka-inspire na kuwento ni Conan sa Conan My Beautician tuwing Linggo, 5 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending