Ako pa rin naman si Darna! – Angel Locsin | Bandera

Ako pa rin naman si Darna! – Angel Locsin

Ervin Santiago |July 01,2016
facebook
share this

Ako pa rin naman si Darna! – Angel Locsin

Ervin Santiago - July 01, 2016 - 12:45 AM

ANGEL LOCSIN AT PIA WURTZBACH

ANGEL LOCSIN AT PIA WURTZBACH

BITIN pa rin ang mga sagot ni Angel Locsin tungkol sa pagganap niya bilang Darna sa bagong movie version nito na gagawin ng Star Cinema.

Nagpasalamat ang Kapamilya actress sa lahat ng kanyang mga fans na nagsasabing siya pa rin ang karapat-dapat na gumanap na Darna sa pelikula, “Of course, nakaka-flatter kasi tumatak sa kanila ang ginawa ko before,” sey ni Angel sa isang panayam.

Pag-amin pa ng aktres, “Gustung-gusto ko rin naman talaga gawin. Pero hindi ko pa rin siya masagot sa ngayon kasi nasa process ka ng healing, gusto mong gumaling.

“Tapos kapag nagsalita ka ng anything, tapos hindi matutuloy, baka ma-depressed ulit ako, di ba? Kung ano lang ang ibigay ng Diyos sa akin. Naniniwala ako na kung para sa ‘yo ang proyekto, para sa ‘yo,” paliwanag pa ng dalaga.

Kung matatandaan, sinabi ni Angel noon na hindi na niya magagawa ang Darna movie dahil sa kanyang karamdaman sa spine. Inoperahan ang likod niya sa ibang bansa at hanggang ngayon ay sumasailalim pa rin siya sa therapy.

“Nagpapagaling pa talaga ako. But I’m happy na maganda ang feedback ng mga doktor. Undergoing pa rin ako three times a week, nagte-therapy pa rin ako. I’m looking forward na mas maaga ang recovery,” chika pa ng dalaga.

Sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya sa “Darna” project na ito, narito ang mensahe ng ex-girlfriend ni Luis Manzano, “Kasi, ako rin naman, naniniwala pa rin ako na ako si Darna. Sa akin man ang role o hindi, ako pa rin si Darna kasi nakikita ko ang sarili ko sa kanya at nakaka-relate ako sa personality at mga kakayahan niya bilang superhero.”

Samantala, may mga netizens naman na nagsasabi na kung hindi na talaga pwede si Angel, bakit hindi raw kunin ng Star Cinema si Miss Universe Pia Wurtzbach para gumanap na bagong Darna. Kumalat kasi sa social media ang ilang photoshopped pictures ni Pia na naka-costume ng Darna.

At in fairness, halos lahat ng nakakita nito ay puro positibo ang ipinost na comment.

Sabi ng isang follower ni Pia, “Mas OK kung si Miss Universe Pia ang bagong Darna because she’s new and fresh. Perfect siya para gumanap na superhero. At sure ako na mas panonoorin siya kesa kay Angel dahil she’s sexier and bolder!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending