KC baliw na baliw kay Aly Borromeo | Bandera

KC baliw na baliw kay Aly Borromeo

Ervin Santiago |June 30,2016
facebook
share this

KC baliw na baliw kay Aly Borromeo

Ervin Santiago - June 30, 2016 - 12:25 AM

kc concepcion at aly borromeo

TILA baliw na baliw na nga si KC Concepcion sa kanyang rumored boyfriend na si Aly Borromeo, isa sa mga miyembro ng Azkals football team. Ramdam na ramdam ng kanyang followers ang sobrang pagmamahalan ng dalawa base na rin sa kani-kanilang mga post sa social media.

Nitong nakaraang Martes, muling nagpahayag ng kanyang pagmamahal ang TV host-actress kay Aly para sa 33rd birthday nito. Nag-post si KC ng picture nila ng football player sa kanyang Instagram account, habang nasa may swimming pool. Nilagyan niya ito ng maikling caption na: “#HappyBAEday!”

Ang “HappyBAEday” ay pinagsamang “happy birthday” at “Bae” na ginagamit lang kapag espesyal sa iyo ang isang tao at kung gwapung-gwapo ka sa isang lalaki. In fairness, suportado si KC ng kanyang mga tagahanga sa relasyon nila ni Aly.

Ayon sa isa niyang follower sa IG, “Go girl! You deserve to be happy after what happened sa inyo ni Papa P! Kainggit! Haha. Sana nga si Aly na ang forever mo. Wag ka sana nyang paiyakin!” Sey naman ng isa pa, “Kiliggggg pa more! KC & Aly bagay na bagay. We’re praying na this is it na for you! Hoping for the best. Aly seems to be a good man and BIG! Hehehe!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending