Bigong relasyon nang napiratang alampay | Bandera

Bigong relasyon nang napiratang alampay

Den Macaranas |June 29,2016
facebook
share this

Bigong relasyon nang napiratang alampay

Den Macaranas - June 29, 2016 - 12:10 AM

BAGO pa man ang araw ng halalan ay tinapos na ng magkasintahan na opisyal ng pamahalaan ang kanilang tagong relasyon.

Sinabi ng ating Cricket na nabisto ng nanalong pulitiko sa nakaraang halalan na may iba pa palang girlfriend ang kanyang BF na mataas ang pwesto sa kasalukuyang administrasyon.

Ang karibal ni Madam, ayon sa ating Cricket, ay isang abogado na staff ng isang tumakbo sa vice-presidential race.

Matagal na ring lihim ang kanilang relasyon bago pa man sila maging opisyal ng kasalukuyang pamahaan.

Si Sir ay may-asawa, samantalang si Madam ay single na ulit makaraan ang trahedyang pinagdaanan ng kanyang pamilya.

Kapwa sila may mga anak pero di na sila nakikialam sa relasyon ng dalawa na hindi naman umaamin ng kanilang tunay na status in public.

Makailang beses na rin nilang itinatanggi ang kanilang pagmamahalan pero open secret naman ito sa mga nakapaligid sa kanila.

Pero nang makarating kay Madam ang balita tungkol sa pamamangka sa dalawang ilog ni Sir ay doon na siya nagpasya na tuldukan na kung anuman ang namagitan sa kanila ni Sir.

Si Madam ay naging pursigido sa kanyang tinarget na posisyon sa pamahalaan kaya’t makaraan ang ilang laban ay nakuha rin niya ang tagumpay.

Si Sir naman na kontrobersiyal dahil sa mga kalokohang sinabitan ay mukhang babalik na lang sa pribadong buhay dahil hindi naman siya welcome sa susunod na administrasyon.

Isa rin siya sa mga inaasahang magde-deliver ng mga boto sa mga manok ng administrasyon noong nakaraang eleksyon pero siya’y nabigo dahil masyado silang naging kumpiyansa sa makinarya ng ruling coalition.

Isa rin siya sa mga sinasabing nangako ng maraming tulong sa ilang mga local officials pero hindi naman niya natupad ang mga ito na siyang dahilan kaya sumemplang sa mga huling araw ng kampanya ang kanilang partido.

Pero sinabi ng ating Cricket na kahit iniwan na siya ni Madam ay love pa rin daw niya ito kumpara sa isa pa niyang dyowa na staff naman ng isang talunang VP contender.

Dahil nanalo si Madam sa nakalipas na halalan, mas madali daw sa kanya ang maka move-on dahil magiging busy siya sa kanyang paglilingkod sa bayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Madam na bida sa ating kwento ay ilang beses nang nabigo sa halalan pero hindi sumuko.
Si Sir naman ay itago na lamang natin sa pangalang Mr. R….as in Romantiko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending