Asawa, anak ng retired police general patay sa sunog
PATAY ang misis at anak na babae ng isang retired police general matapos makulong sa bahay nilang nasusunog Lunes ng umaga sa Quezon City.
Ayon sa report ng Radyo Inquirer, nagsimula ang sunog alas 7:30 sa bahay ni retired-general Ismael Rafanan sa No. 11, Block 4, Courage Street, Capitol Estate II.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na ikinasawi ng misis at anak ni Rafanan.
Natagpuan ang mag-ina sa ikalawang palapag ng bahay. Ang mga ito ay sina Marilyn Rafanan, 69 at anak niyang si Stara Rafanan, 27.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending