Kilalang aktres sinusumpong pag walang pera, problema ng mga producer | Bandera

Kilalang aktres sinusumpong pag walang pera, problema ng mga producer

Cristy Fermin |June 27,2016
facebook
share this

Kilalang aktres sinusumpong pag walang pera, problema ng mga producer

Cristy Fermin - June 27, 2016 - 12:30 AM

 

BLIND ITEM FEMALE 0422

SA isang malaking pagtitipon ay ginawang pulutan ng mga magkakaumpukan ang isang kilalang aktres na may kakaibang klase ng sumpong. To-the-max kung tawagin nila ang mood swing ng female personality.

Isa lang daw ang dahilan para magkaroon ng matinding sumpong ang aktres, kawalan ng datung, kapag wala siyang hawak na pera ay parang hindi na iikot ang kanyang mundo. Magilas kuno at madaling kausap ang female personality kapag marami siyang pera, napakapositibo ng kanyang paligid, ang sipag-sipag niyang magtrabaho.

Simulang kuwento ng source, “Ang kaso, kapag may pera na naman siya, e, akala mo wala nang bukas kung magsayang siya! Una, meron siyang bisyo na hanggang ngayon, e, hindi niya pa rin maitigil-tigil! “Kung ‘yun ba namang isinusugal niya, e, iniipon niya na lang, di wala sana siyang mood swing! Aksaya siya nang aksaya ng datung, kapag nasasaid naman siya, e, napakahirap niyang kausap!

“Alas otso nang umaga ang calltime niya, pero dumarating siya nang after lunch na, nakakaloka ang babaeng ‘yun! Ayaw pang magtrabaho kapag hindi siya nakakakuha ng datung sa mga produ-cers niya!” naiinis na kuwento ng aming impormante. Ang masakit pa kunong parte ng kuwento ay ang hindi niya talaga pagsipot sa shooting kapag nakuha na niya nang buo ang talent fee niya.

Patuloy ng aming source, “Tip ito sa mga kukuha sa serbisyo niya. Huwag ibibigay agad ang TF niya, kailangang paabut-abot lang, dahil kapag nakuha na niya ang kabuuang talent fee niya, e, good luck na lang sa shooting!

“Mahirap na siyang makita, tawagan mo man siya, e, hindi naman sumasagot. To-the-max ang sumpong ng babaeng ‘yun kapag wala siyang datung! “Nakow, nakakaloka siya, promise! Mauubos ang pasensiya mo sa kanya, Bradly Guevarra, peksman, Batman!” pagtatapos ng aming source.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending