Letran vs San Beda sa NCAA Season 92 opener ngayon | Bandera

Letran vs San Beda sa NCAA Season 92 opener ngayon

Angelito Oredo |June 25,2016
facebook
share this

Letran vs San Beda sa NCAA Season 92 opener ngayon

Angelito Oredo - June 25, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
12:30 p.m. Opening Ceremonies
2 p.m. San Beda vs Letran
4 p.m. Mapua vs JRU

AGAD na pag-aalabin at pag-aagawan ng nagtatanggol na kampeong Letran Knights at San Beda Red Lions ang malinis na kartada sa paghaharap sa pinakaunang laban matapos ang makulay na seremonya na magbubukas ngayon sa ika-92 edisyon ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Una munang magiging tampok ang simbolikong pagretiro sa ginamit na numero sa kinikilalang pinakamahusay na nahubog at natatanging manlalaro na nagbigay ng kanyang buong talento sa laro na si Carlos “The Great Difference” Loyzaga ay bubuksan ang torneo ganap na alas-12:30 ng tanghali na may tema na “Sports Builds Character: Achieving Breakthrough @Season 92.”

Sinabi ni NCAA president at San Beda rector-president Rev. Fr. Aloysius Ma. Maranan, OSB, na umaasa sila na ang taong ito ang magsisilbing panimula sa pag-angat ng kalidad ng pinakamatandang liga ng mga unibersidad sa bansa sa pagnanais na maging pantay ang lahat sa isinasagawa nitong mga kompetisyon.

“Hindi lamang sa larong basketball natin nakikita ang mas maigting na kompetisyon kundi pati na rin sa iba pang mga sports na ating isasagawa,” sabi ni Maranan.

Tinutukoy ni Maranan ang pagdedesisyon ng NCAA Policy Board na gawin na rin mandatory sport ang volleyball ngayong taon kasama ang mga centerpiece sports na athletics, basketball at swimming upang magkaroon ng tsansa ang lahat ng mga miyembro nitong unibersidad na masungkit ang pangkalahatang kampeonato.

Idinagdag ni NCAA Management Committee chair Jose Mari Lacson na ang pamilya ni Loyzaga na kinukunsidera na “the best basketball player this country has produced,” kabilang ang anak na si Chito ay dadalo upang masaksihan ang makasaysayang aktibidad.

Bilang pagpapahalaga sa naiambag ni Loyzaga ay iginawad nito ang karapatan na buksan ang torneo kay Chito Loyzaga na naglaro rin para sa Red Lions.

Susundan agad ng sagupaan ng Knights na makakasama ang bago nitong coach na si Jeff Napa at ang Red Lions ni Jamike Jarin sa unang laro ganap na alas-2 ng hapon bago ang salpukan ng Mapua Cardinals at Jose Rizal Heavy Bombers na kapwa nakatuntong sa Final Four nitong nakaraang taon.

Aakuin ni Napa, na multi-titled high school school coach mula sa National University, ang responsibilidad na bitbitin muli sa titulo ang mga Knights kapalit ni Aldin Ayo, na matatandaang binitbit sa titulo ang Letran bago lumipat sa koponan ng La Salle sa UAAP ngayong taon.

Hindi makakasama ng Letran sina Kevin Racal at Mark Cruz, na umakyat na sa PBA at sasandig na lamang kina Rey Nambatac at McJour Luib kasama sina Jerrick Balanza, Felix Apreku at Jomari Sollano.

“There were some changes. The only ones that didn’t change was our will to win,” sabi ni Napa.

Hindi naman makakasama ng San Beda sina Nigerian Ola Adeogun, Baser Amer, Arthur dela Cruz at Ryusei Koga upang iwanan kay team captain Dan Sara ang adhikain na muling angkinin ang korona.

Makakasama ni Sara sina Donald Tankoua, Jayvee Mocon, AC Soberano at Robert Bolick, na mula sa La Salle pati na ang Fil-Am rookie na si Davon Potts at Cameroonian Arnaud Noah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We’re going to run as hard as we can so you would mistake us for a track and field team,” sabi ni Red Lions coach Jamike Jarin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending