Hamon kay Baron: kasuhan ang traydor na nanapak sa bar | Bandera

Hamon kay Baron: kasuhan ang traydor na nanapak sa bar

Alex Brosas |June 13,2016
facebook
share this

Hamon kay Baron: kasuhan ang traydor na nanapak sa bar

Alex Brosas - June 13, 2016 - 12:30 AM

 

baron geisler

NAGWALA na naman si Baron Geisler. In a photo uploaded by Wilbert Brandon N Travis on his Facebook account, kitang-kita na nagmumura si Baron habang inaawat ng isang bouncer.  Apparently, may sumapak daw sa actor kaya ito ay galit na galit. The incident happened at Guilly’s Bar in Tomas Morato St., Quezon City.

“Pero sa totoo hindi niya ata kasalanan bigla na naman siyang sinapak sa ulo e.. Ewan ko sabi nu’n sumapak nanggugulo daw,” Wilbert said. Galit na galit si Baron, mura siya nang mura at sigaw nang sigaw ng “bakla” sa kanyang nakaaway. Ang chika, nanggugulo raw si Baron kaya siya sinapak ng isang unnamed guy.

Kung talagang matapang ang sumapak sa kanya, sana’y nagpambuno sila sa labas ng bar nang magkaalaman kung talagang palaba siya. Actually, kung walang kasalanan si Baron dito ay dapat kasuhan ang guy na nanapak sa kanya.

Anyway, much-awaited event ang inaasahang pagsasagupa nina Baron at Kiko Matos. Ang daming nagtatanong sa amin kung paano makakapanood, kung may bayad ba ang laban ng dalawa.

Hindi namin knows kung may bayad at kung saan makakabili ng ticket kaya sorry na lang sa nagtatanong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending