Baron sangkot na naman sa iskandalo; Waiter ipinagtanggol sa galit na galit na indie actor | Bandera

Baron sangkot na naman sa iskandalo; Waiter ipinagtanggol sa galit na galit na indie actor

Ervin Santiago |May 29,2016
facebook
share this

Baron sangkot na naman sa iskandalo; Waiter ipinagtanggol sa galit na galit na indie actor

Ervin Santiago - May 29, 2016 - 12:25 AM

baron geisler

TALAGANG kakambal na ng gulo at iskandalo ang award-winning actor na si Baron Geisler. Pagkatapos ng pakikipag-away niya sa isang estudyante, bagong viral video na naman ang kumalat kung saan siya na naman ang bida.

Sa nasabing video, mapapanood ang eksenang nakikipagpalitan ng maaanghang na salita at nakikipagsuntukan sa indie actor na si Kiko Matos sa isang bar sa Tomas Morato. Isang Facebook user na may handle name na Medmessiah CombatBoi ang diumano’y siyang nag-post ng video na mabilis ngang kumalat sa social media.

Ngunit ayon sa isang nakasaksi raw ng nasabing insidente, walang kasalanan si Baron dahil si Kiko diumano ang nagpasimula ng gulo dahil pinagsalitaan daw nito ng hindi maganda ang waiter sa nasabing bar.

Ayon sa saksi, masyado raw kasing bastos ang nakasuntukan ni Baron, na inakala pa nga nitong isang Amerikano. Ngunit ayon nga sa ilang nagkomento sa video, si Kiko nga raw ang lalaking nakaaway ni Baron. Sa panayam ng News5 kay Baron mukhang matindi ang naging banggaan nila ni Kiko dahil sabi nga nito sa nasabing interview, hindi pa sila tapos ni Kiko.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, wala pang iniisyung official statement si Kiko tungkol sa nangyari. Pero base nga sa nabasa naming mga post ng indie actor sa kanyang Facebook account, tila hindi naman ito apektado sa nangyari dahil tinawanan lang niya ito habang nakikipagpalitan ng mensahe sa kanyang FB friends. Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ng dalawang aktor, pati na rin ng waiter na diumano’y inaway ni Kiko.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending