13th Shakey’s V-League Open Conference sasambulat ngayon | Bandera

13th Shakey’s V-League Open Conference sasambulat ngayon

Angelito Oredo |May 28,2016
facebook
share this

13th Shakey’s V-League Open Conference sasambulat ngayon

Angelito Oredo - May 28, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(San Juan Arena)
1 p.m. Navy vs IEM (men)
4 p.m. NU vs Laoag (women)
6:30 p.m. Pocari vs UP (women)

SISIMULAN ng pre-season favorite na Pocari Sweat ang kampanya sa asam na titulo sa pagsagupa nito sa University of the Philippines habang sasagupain ng National University na bitbit ang bagong manlalaro ang baguhang Laoag sa pagsisimula ngayon ng 13th Shakey’s V-League Open Conference sa San Juan Arena.

Ang Tai Bundit-coached Warriors ang nasisilip bilang title contender dahil sa pangunguna nina dating collegiate stars Michelle Gumabao at Melissa Gohing ng De La Salle University at Myla Pablo ng NU.

“We’ll be relying on our experience and familiarity with each other to help us through,” sabi ni Pocari team manager Eric Ty, na hiniling sa mga manonood na fans na magsuot ng asul na damit sa kanilang alas-4 ng hapon na laro.

Haharapin ng Pocari ang mas batang UP squad na sariwa pa sa solidong pagtuntong sa Final Four ng UAAP women’s volleyball.

Sina Kat Bersola, Nicole Tiamzon, Issa Molde, Diana Mae Carlos at Justine Dorog ang mangunguna sa Jerry Yee-mentored na Lady Maroons na asam magtala ng surpresa ngayong komperensiya.

Ang NU ay sasandig naman sa mga baguhang setter bunga ng pagkawala nina Ivy Perez, na nagtapos na, at Rica Diolan, na hindi nakasama sa koponan.

Isa na rito si Larni Abarin, ang 5-foot-9 setter na isang full-blooded Filipino sa kanyang mga magulang subalit isinilang sa Estados Unidos, ang ookupa sa trabaho ni Perez at Diolan bagaman darating pa lamang ito sa Hunyo 24 dahil magtatapos pa lamang ito sa high school sa Hunyo 6.

Pansamantalang pupunuin ang posisyon nina Audrey Paran at Jasmine Nabor, na inilipat mula sa pagiging dating open spiker tungo sa pagiging setter.

Ang Fil-Japanese na si Raisa Sato ay unang masasaksihan din sa laban sa alas-6:30 ng gabi upang tulungan sina Jaja Santiago, Jorelle Singh at Aika Urdas.

“We have to make do with what we have while we wait for our setter from the US,” sabi ni NU coach Roger Gorayeb.

Ang Laoag ay pamumunuan ng coach nitong si Nes Pamilar at mga manlalaro nitong sina Chi Saet, Wenneth Eulalio, Mylene Paat at Jessica Galanza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sisimulan din ang 2nd Spikers’ Turf sa sagupaan ng Navy kontra Instituto Estetico Manila ganap na ala-1 ng hapon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending