Robin pigil ang panggigigil kay misis... Bawal munang makipag-sex kay Mariel | Bandera

Robin pigil ang panggigigil kay misis… Bawal munang makipag-sex kay Mariel

Ervin Santiago |May 28,2016
facebook
share this

Robin pigil ang panggigigil kay misis… Bawal munang makipag-sex kay Mariel

Ervin Santiago - May 28, 2016 - 12:25 AM

mariel at robin padilla

PIGIL na pigil ngayon ang panggigigil ni Robin Padilla sa kanyang asawang si Mariel Rodriguez dahil nga tatlong buwan na itong buntis.

Wala raw munang sex ang mag-asawa dahil nga medyo delikado ang pregnancy ni Mariel, kailangan daw triple ang gawin nilang pag-iingat para kumapit nang mabuti ang baby sa sinapupunan ng TV host-actress.

Hindi pa naman daw kailangang mag-leave ni Mariel sa It’s Showtime dahil kaya pa naman daw nito ang araw-araw na hosting job, basta kailangan lang daw na magdahan-dahan siya sa pagkilos. Wala pa raw pinaglilihiang pagkain si Mariel ngayon, anito, “Marami ako cravings pero walang consistent na gusto. Paiba-iba siya sa ngayon wala pa talagang ganu’n.”

In fairness, ginagawa ni Binoe ang lahat para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng kanyang asawa at magiging baby, marami rin daw isinasakripisyo ngayon ang aktor para sa kanyang buntis na misis. Sey ni Binoe, “Alam naman ng karamihan na hirap magbuntis si Mariel kaya ngayon talagang lahat ginagawa niya para lumaking malusog ang aming baby.

“Dati takot yan sa karayom pero ngayon pag gising niya siya pa naghahanap ng injection para sa pregnancy niya,” dagdag pa nito.

Kasama nga raw sa mga sakripisyo ni Robin ay ang pigilan ang kanyang sarili na magkaroon ng physical and intimate contact with his wife. Naikuweto rin ng mag-asawa sa isang panayam na kapag babae ang naging anak nila ay papangalanan nila itong Maria (sunod sa pangalan ni Mariel) at kapag lalaki naman ay Robinhood II.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending