Iinit bang muli ang nanlalamig na relasyon? | Bandera

Iinit bang muli ang nanlalamig na relasyon?

Joseph Greenfield |May 27,2016
facebook
share this

Iinit bang muli ang nanlalamig na relasyon?

Joseph Greenfield - May 27, 2016 - 12:05 AM

Sulat mula kay Samantha ng Poblacion, Pilar, Bohol
Dear Sir Greenfield,
Mag-iisang buwan na kaming hiwalay ng boyfriend ko. Nanghihinayang ako kasi magpa-pasukan naman. Magpapasukan din kasi noon nang kami ay magkaroon ng relasyon. Naisipan ko sumungguni sa inyo, Sir Greenfield, upang itanong kung magkakabalikan pa kaya kami. Minsan naiisip kong ako na ang magparaya o ako na ang unang tumawag sa kanya kaya lang may pride din naman ako. Ano sa palagay n’yo, ako na ba dapat ang unang makipag-bati? At ask ko din po kung compatible po ba kami? September 16, 1997 ang birthday ko at April 29, 1997 naman ang boyfriend ko?
Umaasa,
Samantha ng Pilar,  Bohol
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Hindi naman pumangit sa halip ay lalo pang gumanda ang Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, walang malaking kabiguang magaganap sa iyong karanasan sa larangan ng pag-ibig, na ngangahulugan lamang na sa malao’t madali habang pumapatak ang ulan ay muli kayong magkakabati ng boyfriend mo.
Cartomancy:
Two of Hearts, Ten of Hearts at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dapat ka ngang magparaya o gumawa ng unang hakbang upang mabuong muli ang inyong relasyon ng boyfriend mo. Ito ay dapat mong isagawa sa buwan ng Hunyo habang pumapatak ang ulan sa kapaligiran dahil tiyak na magkakabati na kayo.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending