Movie Review: Love Me Tomorrow nina Dawn at Piolo kinabog ang maraming showbiz loveteam | Bandera

Movie Review: Love Me Tomorrow nina Dawn at Piolo kinabog ang maraming showbiz loveteam

|May 26,2016
facebook
share this

Movie Review: Love Me Tomorrow nina Dawn at Piolo kinabog ang maraming showbiz loveteam

- May 26, 2016 - 12:28 PM

DAWN ZULUETA AT PIOLO PASCUAL

DAWN ZULUETA AT PIOLO PASCUAL


KAHAPON ay opisyal nang nagbukas sa mahigit 100 mga sinehan ang pelikula nina Dawn Zulueta at Piolo Pascual kung saan ipinakita ng dalawang bida ang kanilang chemistry at siyempre ang kanilang acting kung saan kinabog nila ang maraming mga showbiz loveteam.

Makatotohanan ang pelikula dahil hindi kaila na nangyayari ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawang tao sa kabila ng laki ng agwat sa kanilang edad.

Kwento ito ng isang 50-anyos na biyuda na si Cristy na-inlove sa 34-anyos na binata na si JC. Ka-love triangle naman dito si Coleen Garcia na gumaganap bilang Janine, na bagamat 10-taon na mas bata, patay na patay siya kay JC.

Bagay na bagay kay Dawn ang kanyang role dito na talagang hindi pa kumukupas ang ganda at siyempre ang kanyang husay sa pagganap.

Siyempre, ipinakita rin ni Piolo ang kanyang versatility na kahit kanino pa siya ipareha ay carry niya ang kanyang role.

Napaka light ng pelikula, may konting comedy, drama at siyempre pangkilig sa mga nanonood.

May twist din sa ending ng pelikula kung saan inabangan talaga ng manonood ang ending kung magkakatuluyan ba talaga sina Cristy at JC.

Tiyak kong maraming makaka-relate sa movie sa loob at labas man ng showbiz industry.

Sa iskor na 1 hanggang 10, kung saan 10 ang pinakamataas, bibigyan ko ng iskor na 9 ang pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending