Aktres iniwan ang dyowang sportsman dahil sa epal na nanay | Bandera

Aktres iniwan ang dyowang sportsman dahil sa epal na nanay

Cristy Fermin |May 07,2016
facebook
share this

Aktres iniwan ang dyowang sportsman dahil sa epal na nanay

Cristy Fermin - May 07, 2016 - 02:00 AM

BLIND ITEM  FEMALE 0318

PINAGPIPISTAHAN hanggang ngayon sa isang larangan na parang showbiz din ang paghihiwalay nu’n ng isang female personality at ng isang pamosong personalidad sa palakasan. Showbiz at sports nga ang kanilang kumbinasyon, parehong maraming kontrobersiya, pero nagtagal din ang kanilang pagmamahalan.

Pero nagulat ang marami nang magdeklara ang babae na tapos na ang lahat sa kanila ng sportsman, nakapanghihinayang daw dahil matagal din silang naging magkarelasyon, pero kailangan na niyang magdesisyon. Hindi silang dalawa ang naging problema, sabi ng malalapit sa dalawa, kundi ang mga puwersang nakapaligid sa kanila na pinangungunahan ng ina ng female personality.

Kuwento ng aming source, “Napakataas naman kasi ng pangarap ng mommy ni ____ (pangalan ng babaeng personalidad) para sa kanya. Milyonaryo ang gusto niyang makarelasyon ng anak niya, hindi ordinaryong tao lang, kaya nagkaproblema ang dalawa habang magkasama sila.

“Hindi maganda ang pagtrato ni mommy sa boyfriend ng anak niya, pero ginagawa pa rin ng lalaki ang dapat, kahit pa iniisnab-isnab naman siya ng biyenan niyang hilaw. “Ayun, sa kape-pressure ng mommy niya, nakipaghiwalay na lang tuloy ang girl sa BF niya, wala kasi siyang peace of mind kahit maligaya siya sa relasyon nila ng guy dahil sa ginagawa ng mommy niya!” kuwento ng aming impormante.

Pamilyado na ngayon ang sportsman, ang babaeng personalidad naman ay meron na ring bagong karelasyon, isang may edad nang businessman pero punumpuno naman ang bulsa. Huling sultada ng aming source, “Naku naman, Bradly Guevarra, palainom ng gatas ang guy at inom naman nang inom ng vitamins ang girl!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending